• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRAFFIC RE-ROUTING SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO

NAGLABAS  na ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit (TEU)  sa mga motorista na umiwas sa mga lugar na sa Tondo, Maynila dahil sa gagawing kapistahan ng Sto.Nino de Tondo sa Enero 17 .

Sa inilabas na traffic advisory, mula alas-3:00  ng madaling araw ng Enero 17 ,pinayuhan ng MTEU ang mga motorista mula sa Moriones st., na dadaan ng J. Nolasco  St.  na dumiretso  sa Juan Luna St., o Dagupan St.

Ang mga sasakyan naman na galin  mula Pritil  na papuntang N. Zamora St., ang kailangang kumaliwa sa Moriones St hanggang Juan Luna St.,

Habang ang mga sasakyan naman na dadaan ng Asuncion st at dapat kumaliwa sa Tuazon St.

Samantala, sarado naman ang J. Nolasco St., mula Moriones hanggang Zamora,gayundin ang kahabaan ng Morga St., mula Asuncion St. hanggang Juan Luna St.

Sarado rin ang kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones  St., hanggang Morga St. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Edukasyon, kalusugan ng katutubong Pinoy tututukan

    TINIYAK ng Pinoy Ako Partylist na isusulong ang karapatan ng mga “indigenous people”. Ayon sa Pinoy Ako Partylist, mayorya ng mga naninirahan sa Cordi­llera Region na pawang Indigenous Filipinos ay maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil sa hindi patas na edukasyon. May ilang katutubo rin ang napipilitan na lamang na hindi na ipag­laban ang kanilang karapatan dahil […]

  • Zero COVID case reward sa Maynila, suportado ng DOH

    “Huwag itago ang tunay na estado ng kaso COVID-19 sa kanilang lugar.” Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) kasunod ng pagbibigay ng reward na P100,000 ang pamahalaang lungsod sa mga barangay sa Maynila na makakapagtala ng zero COVID-19 case sa loob ng dalawang buwan na magsisimula sa September 1 hanggang October 31. Bagamat […]

  • Innovation Triumphs Over Adversity: PHAP’s Response to Unprecedented Challenges Chronicled in ‘The Power of Innovation’ Report

    The Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) today launched a landmark report titled “The Power of Innovation,” offering an insightful perspective of lessons learned and ways forward coming from a global crisis caused by the COVID-19 pandemic.       During the unprecedented challenges the pandemic presents, “The Power of Innovation” bears witness […]