Training camp ng Gilas sa Calambubble tigil muna!
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
Muling bubuwagin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ito ay dahil na rin sa nakakaalarmang pagdami ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na siyang dahilan upang ibalik sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus bubble.
Isa ang Laguna na pinagdarausan ng training sa bubble kasama ang National Capital Region, Rizal, Bulacan at Cavite.
Mismong si second window Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico ang nagkumpirma na lilisanin na ng Gilas Pilipinas pool ang Calambubble kahapon.
Wala pang linaw kung kailan muling babalik ang Gilas Pilipinas sa ensayo.
-
Government streamlining bureaucracy, aayusin -PBBM
PAPEL ng gobyerno na ayusin ang bureaucratic processes para maiwasan ang nakasanayang korapsyon. Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad at covenant signing ng Executive Order No. 18, “which constitutes the green lanes for strategic investments.” “So we know, we in the government know what is necessary. So let us take […]
-
Kinapos ng budget ang movie na sinu-shoot sa New York: KC, nangangalampag sa followers na tulungan silang matapos ang ‘Asian Persuasion’
NANGANGALAMPAG si KC Concepcion sa kanyang followers sa social media na tulungan sila na matapos ang pelikulang kinabibilangan niya na Asian Persuasion sa Amerika. Sa kanyang post sa Instagram, pinaalam niya na kinapos ng budget ang production ng pelikula na sinu-shoot sa New York ng direktor na so Jhett Tolentino. […]
-
Hidilyn, magsasanay muli sa Malaysia para sa torneyo sa Peru
Babalik na sa pagsasanay sa Kuala Lumpur si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa susunod na buwan. Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsabak sa World Championships sa Peru sa buwan ng Nobyembre. Ayon kay Samahang Weightlifting ng PIlipinas (SWP) president Monico Puentevella na bukod sa Peru ay paghahandaan din nito ang […]