• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Training program ni Marcial para sa Tokyo Olympics kasado na

Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics.

 

 

Sanib-puwersa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at MP Promotions upang masiguro na handang-handa si Marcial bago sumabak sa Tokyo Olympics.

 

 

Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, tinututukan ng coaching staff si Marcial sa kanyang training camp.

 

 

Sa katunayan, mga world-class coaches ang humahawak dito kabilang na sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune.

 

 

Maraming estratehiya ang itinuturo kay Marcial na magagamit nito sa tangkang masikwat ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

 

 

Ilan sa mga tinukoy ni Gibbons ang tamang foot work, tamang depensa, tamang posisyon at ilan pang mahahalagang estratehiya.

 

 

Tatlong professional fights sana ang plano ng MP Promotions para kay Marcial bago ito tumulak sa Japan.

 

 

Subalit binago ng coaching staff ang game plan para mapanatiling fresh ang katawan nito.

 

 

Ilang sparring sessions din ang pinagdaraanan ni Marcial laban sa iba’t ibang boksingero mula sa Asya, Amerika at Europa para magamay nito ang estilo ng kanyang mga posibleng makalaban sa Olympics.

 

 

Nais ni Marcial na ma­kasama ang isang ABAP coach sa Amerika na magsisilbing katuwang sa pagtutok sa kanyang paghahanda.

 

 

Mananatili muna si Marcial sa Los Angeles, California para ipagpatuloy ang pagsasanay nito.

 

 

“Maganda ang training ko dahil marami akong natututunan. So tuluy-tuloy lang sa training para makuha ko yung perfect form para sa Olympics,” ani Marcial.

Other News
  • New ‘Hawkeye’ Trailer Shines a Spotlight on Holiday Cheer

    A brand new trailer for Marvel’s upcoming Disney+ series Hawkeye has been released to remind us of the seasonal cheer that awaits us next month when the show premieres with its first two episodes on November 24.     Opening with a Christmas-themed Marvel Studios logo and punctuated with a dramatized rendition of “Deck the Halls,” this […]

  • Sa kanyang 25 years sa showbiz: ALLEN, ‘di pa nakakasama sina VILMA, MARICEL at SHARON

    NAKAKALOKA si Allen Dizon!     Isa kasi siyang car collector at siya mismo ang nagkuwento sa amin na meron siyang mahigit tatlumpo, yes, tatlumpung kotse!     Lahat ng mga kotse niya ay nasa garahe niya sa bahay niya sa Pampanga.     Bukod dito ay may dalawang restaurant si Allen na nasa NLEX, […]

  • Dagdag sa DA budget, subsidies, pagagaanin ang impact ng inflation

    NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang isang mataas na lider ng Kamara na ang halos 40% increase sa badyet ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na taon at ang patuloy na subsidiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa bulnerableng sector, ay makakatulong para maisaayos at mapagaan ang impact ng mataas na inflation […]