• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport News DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.

 

 

Sa isang simpleng programa, sinabi ni DILG Reg. 3 Director Karl Caesar R. Rimando na pinondohan ng nagkakahalagang P20 milyon ang proyekto kabilang na ang Concreting of Farm-to-Market Road, Construction of Two Units of Health Center at Electrification Project.

 

 

Mabibigyan rin ang mga residente ng mga hayop na maaaring paramihin at pagkakitaan, mga pataba at mga binhi.

 

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang DILG sa pagpili nito sa Brgy. San Mateo bilang isa sa mga benepisyaryo ng programa at pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na ingatan at alagaan ang nasabing mga proyekto sa kanilang barangay.

 

 

 

“Lubos ang aking pasasalamat dahil isa ang Brgy. San Mateo sa napiling lugar dito sa Lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang Barangay Development Program. Malaking tulong ito sa ating kapwa Bulakenyo sa Norzagaray, umpisa pa lamang ito ng pag-unlad. Karugtong nito, hinihiling ko lamang na ating alagaan at ingatan ang mga proyektong ipinagkaloob sa atin,” anang gobernador.

 

 

 

Itinatag ang Barangay Development Program (BDP) sa layuning maghatid ng kaunlaran sa mga komunidad sa bansa na dati ay may kaguluhan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • MIF, behikulo para maka- attract ng resources para sa social, economic development-Balisacan

    SUPORTADO ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang  Maharlika Investment Fund (MIF).     “With the Marcos Administration’s Economic Team members, I reiterate my strong support for creating the Maharlika Investment Fund as a complementary vehicle to help us attain the objective of rapid but inclusive and sustainable economic development,” ayon kay Balisacan sa isang […]

  • Maraming katao patay sa banggaan ng sasakyan na may dalang pampasabog sa Ghana

    HINDI bababa sa 10 katao ang nasawi matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa Ghana.     Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, bumangga ang isang motorsiklo sa sasakyan na may dalang mga pampasabog.     Dahil sa pagsabog ay gumuho ang ilang gusali at nadamay ang mga nakaparadang sasakyan.     Maraming mga […]

  • Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head

    ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si  Katrina Gloria Ponce Enrile, anak na babae ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang  administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).     Ang posisyon ni Katrina ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay Cabinet rank.     Si […]