Transportasyon sa NCR mananatiling 50% capacity kahit ECQ
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20.
Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin ang 50% capacity sa lahat ng sektor ng transportasyon.
Subalit sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang mga authorized persons outside residence (APORs) lamang ang papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon na naaayon sa ipinapatupad na guidelines ng IATF.
“Only authorized persons outside residence (APORs) would be allowed on public transport services in accordance with omnibus guidelines of IATF,” wika ni Tugade.
Pinaalalahanan ang mga APORs na magdala at magpakita ng kanilang IDs at iba pang mga dokumento sa mga transport marshals kung sila ay sasakay.
Habang may ECQ, ang mga pampublikong sasakyan tulad ng buses at jeepneys ay pinapayagan ng magkaron ng 50 percent capacity subalit one-seat-apart at wala dapat na nakatayo na mga pasahero. Ang mga motorcycle taxi services at transport network vehicle service operations ay pinapayagan din.
Pinapayagan din ang operasyon ng mga tricycles sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng local government unit (LGU) subalit dapat ay isa lamang ang sakay.
Ang mga trains naman tulad ng Light Rail Transit Line 1(LRT Line 1), Metro Rail Transit Line 3(MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT Line 2), at Philippine National Railways (PNR) ay mananatiling may operasyon sa loob ng dalawang (2) linggo na may ECQ.
“All trains of PNR, LRT 2, LRT 1, and MRT 3 will have transport marshals to enforce health protocols and to identify APORs. Trains will also be disinfected after every loop,” dagdag ni Tugade.
Mayron din mga domestic flights at local sea travel sa NCR habang may ECQ subalit subject sa community quarantine restrictions ng kanilang pupuntahan.
Ang mga transport marshals ay mahigpit na magpapatupad seven (7) commandments ng public transport safety sa mga estasyon at terminal ng mga transportasyon ganon din sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Mahigpit na ipinatutupad ang social distancing, paggamit ng face mask at face shield, at ibp health at safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.
“We are at the DOTr reiterate the need for us to strictly observe the necessary health and safety measures aboard public transportation. We are more adamant now, as we reinforce the government initiatives and measures to prevent to spread the highly-transmissible Delta variant,” saad ni Tugade. LASACMAR
-
Mabilis na transmission ng poll results, nakagugulat- political analyst
NAKAGUGULAT para sa isang political analyst ang mabilis na transmission ng resulta ng 2022 elections kumpara sa nakalipas na halalan sa bansa. Sinabi ni political analyst Ramon Casiple na bagama’t mabilis ang transmission ng resulta ng 2022 elections ay napakaaga pa aniya para magbigay kaagad ng konklusyon. “Nagulat ako doon sa […]
-
FREE ANTI RABIES VACCINE HANDOG NG ALPHA KAPPA RHO – KAPPA RHO COMMUNITY CHAPTER
FREE ANTI RABIES VACCINE HANDOG NG ALPHA KAPPA RHO – KAPPA RHO COMMUNITY CHAPTER sa RMS Ville, Brgy. Gen. Tiburcio De Leon, Valenzuela City. Sa pangunguna ni Grand Skeptron Carl Dacasin at ang kanyang Chapter Founder na si Roi Miguel Alabastro at sa kooperasyon ng ANGKOP – Ang Animal Ko Protektado at ni Doc […]
-
PBBM, nilagdaan na ang 2023 national budget
NILAGDAAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.268 trillion na panukalang national appropriations for 2023. Ito ang kauna- unahang budget sa ilalim ng administrasyong Marcos. Dadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng 2023 General Appropriations Act (GAA) sa Malacañang dakong alas-3 ng hapon ayon sa Palace advisory. […]