• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRASLACION, PINAL NA WALA NA MUNA

PINAL na na wala munang magaganap na tradisyunal na Traslacion at sa halip ay  isang “Walk of Faih” o Lakad ng Pananampalataya para sa pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Lungsod ng Maynila sa Enero 2023

 

 

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na napagkasunduan na sa ginanap na pulong ng Manila Local Government at at mga kinatawan ng Simbahan na muna isasagawa ang tradisyunal na Traslacion, at sa halip ay isasagawa ang “Walk of Faith” o Lakad ng Pananampalataya at asahan ang araw-araw na mga misa.

 

 

Pinalitan naman ng “Pagpupugay ”  ang “Pahalik” sa  Quirino Grandstand  kung saan maaaring lapitan at hawakan ang Poon, pero bawal ang paghalik sa imahen lalo’t may banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Sa ngayon ay mga “technical” na preparasyon ang inihahanda, at ang pinal na latag para sa okasyon ay manggagaling sa Quiapo Church, kasama na ang ruta ng Walk of Faith at iba pa ayon kay Lacuna .

 

 

Tiniyak naman nito  ang buong-pwersang deployment ng Manila Police District o MPD, Manila Fire Department, Manila Health Department at iba pang departamento ng Manila LGU upang masiguradong magiging mapayapa at maayos ang paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Sinabi ni Lacuna na magdaraos ng panibagong pulong balitaan ang Manila LGU at Simbahan ng Quiapo, ilang araw bago ang Pista para sa iba pang isyu na pag-uusapan. GENE ADSUARA

Other News
  • Pinas, tinapyasan ng 6%-7% ang economic growth target— NEDA chief Balisacan

    BINAGO at pinalitan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang growth target para sa taong 2024.     Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%.     Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa […]

  • CBCP naglunsad ng adbokasiya para sa pananalig, pagkakaisa vs COVID-19 pandemic

    Hinikayat ng mga lider ng simbahan ang mga Pilipino na kumapit sa kanilang pananampalataya ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Sa ulat, inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong national campaign na “Yakapin ang Bagong Bukas (Embrace the New Tomorrow).” Ito ay ang malawakang isang minutong pagkakampana sa buong bansa sa ganap […]

  • Na-deglamorize sa first Cinemalaya starrer: MARIAN, ‘di maipaliwanag ang excitement sa karakter sa ‘Balota’

    IBINAHAGI ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram, ang unang sulyap mula sa kanyang first Cinemalaya movie na “Balota” na dinirek ni Kip Oebanda.       Sa kanyang caption, “Sobrang ‘di ko mapaliwanag ang excitement ko sa project na to! [sob, pray, hearts emoji] No filter – No makeup – No double!” […]