• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Traumatic experience para sa buong team: HERLENE, minabuting mag-back out na lang sa ‘Miss Planet International’ sa Uganda

LUMABAS last week ang bali-balitang hindi na nga matutuloy sa November 19 ang coronation night ng Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Speke Resort, Kampala, Uganda dahil sa maraming problema.

 

Nag-post din sa kani-kanilang social media account sina Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow at Miss Planet Jamaica Tonille Watkis, na labis ang pagkadismaya sa kaganapan sa naturang beauty pageant, dahil sa tingin nila ay na-scam sila at cancelled na.

 

Kahit na may statement sa @planet_mpi, na wala pa raw official confirmation mula sa organization na hindi na ito matutuloy.

 

Kaya naman nag-decide ang manager ang ating pambatong si Miss Planet Philippines Herlene Budol na si Wilbert Tolentino na i-withdraw na sa beauty contest ang kanyang alaga na mukhang nabudol lang talaga.

 

Humihingi rin siya ng paumanhin lalo na sa mga supporters ni Herlene, “Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene.

 

“We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry. Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes.

 

“Especially to @Yiga Ventures, @Hassan Yiga & @Rama-dhan Kimbugwe and his team for protecting and keeping my queen, Herlene and her team safe.”

 

Inamin din ng manager/vlogger, “For me as, MPP National Director, I am very hurt, Not only we lost a crown, lost of money, lost of effort; but lost of time.

 

“But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits.

 

“This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission.”

Ilang oras bago ito pinost ni Wilbert, nagbigay muna siya ng mga detalye sa mga nakita niyang kanagapan sa Uganda na may nagaganap na ngang problema tulad ng kakulangan ng budget at isa pang dinadahilan ang pagkalat daw ng Ebola Virus, kaya maraming nag-back out.

 

Say naman ng mga netizens:

“Shady naman kasi ng pageant na yan. Also, they cancelled it na rin. Wag pagpilitan at patulan mga puchu puchu and shady pageants!”

“Sa totoo lang tayo, mas maraming MAS kay hipon. Mainam na rin yan ng di siya mapahiya. Q&A lang bagsak na yan.”

“It’s a blessing in disguise kay Hipon. Para hndi sya mapahiya at hndi ndin mapahiya ang pinas.
pero ilan sa mga reasons daw is fever and ebola virus something like that kahit yung resort na pagdadausan is nag back out bec of ebola virus daw.”

“They need to quarantine for 6 mos for risk of ebola virus.”

“You are Absolutely right. DAW. Mababaw ang dahilan. Bakit nagimbi imbita pa kasi Kung wala namang pera para sa budget.”

“Kulang sa budget ang sponsor. Pati hotel arrangements na cancel. Ebola virus ang idinadahilan. Kawawa ang mga contestants. Na bastos sila.”

“Di naman din siya mananalo jan kaysa magsayang pa sila ng mas madaming pera tama ginawa nila na mag withdraw nalang, never heard competition naman yan.”

“Sorry ha pero pangalan pa lang ng pageant parang joketime na eh. Miss Planet International? Really? Parang yung pageant lang sa movie ni VG dati.”

“Parang ang malas nitong Wilbert pag nakikipag-deal sa ibang bansa.”

“Ano yang name na yan Planet tapos International hahaha. Pag ganyang name wag na kasi salihan pa. Kalerks.”

“Jologs na kung jologs pero medyo gusto ko si Herlene Budol eh. Galing sa hirap, nagsumikap. Pure Filipina, although may enhancements ng features pero nothing wrong with that. Beauty is beauty pa rin regardless kung natural o may enhancements. Feeling ko hindi naman siya magwawala sa Q and A. As long as may translator. Pero kung ayaw niya mag join na ulit… awww. That’s sad. Mukhang pangarap niya kasi yun.”
(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinay skateboarder Margielyn Didal pasok na sa Tokyo Olympics

    Opisyal ng sasabak sa Tokyo Olympics si Pinay skateboarder Margielyn Didal.     Sa ginawang anunsiyo ng World Skate kasama si Didal sa listahan na inilabas ng international roller sports.     Gaganapin ang pagsabak ng 22-anyos na si Didal sa Hulyo 25 hanggang 26.     Dahil sa pagsali ni Didal sa Olympics ay […]

  • 4 huli sa droga at sugal sa Valenzuela

    ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagsusugal at masita sa paglabag sa ordinansa kung saan dalawa sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City.     Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 4 hinggil sa […]

  • MM, mahihirapan ng manatili sa ilalim ng MECQ-Sec. Roque

    SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahihirapan ng manatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (mecq) ang Metro Manila pagkatapos ng Agosto 18. Ito’y dahil, patuloy na nauubos na ang resources ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus pandemic. “The government no longer has resources to provide aid to poor families in the capital […]