• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel ban, pinalawig ng Pilipinas dahil sa Covid -19

PINALAWIG ng Pilipinas ang travel ban nito sa mga byahero na magmumula sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka sa gitna ng muling pagkabuhay ng bilang ng COVID-19 cases.

 

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang mga biyahero mula sa mga nasabing bansa ay hindi papayagan na makapasok ng Pilipinas mula Mayo 7 hanggang Mayo 14.

 

Sakop ng nasabing travel ban ang mga biyaherong nanggaling sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka “14 days bago pa ang pagdating ng mga ito sa Pilipinas.

 

Nauna rito, ipinagbawal na ng Pilipinas ang pagpasok ng mga manlalakbay na galing sa bansang India dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng namamatay sa COVID-19 sa naturang bansa.

 

Inanunsiyo nitong Abril 27 ng Malakanyang na ang lahat ng mga biyahero mula India o ‘yaong may mga travel history sa India ay pagbabawalan makapasok sa Pilipinas sa loob ng dalawang linggo.

 

Epektibo ang travel ban simula Abril 29 hanggang Mayo 14.

 

Sa kabilang dako, nakasaad sa memo na ipinalabas ni Medialdea

 

 

:
“Filipinos and foreign passengers merely transitioning through  India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka and  Bangladesh will not be considered as having come from or having been to these countries.”

 

Ito’y kung mananatili ang mga ito sa paliparan ng buong araw at hindi “cleared” na makapasok sa mga bansang nabanggit ng kanilang immigration authorities.

 

“Likewise, Filipinos and foreign passengers merely transitioning through  India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka and  Bangladesh covered by the said exemption are also not required to complete a full 14-day facility-based quarantine provided that they complied with existing testing and quarantine protocols of the national government,” ang nakasaad pa rin sa memo. (Daris Jose)

Other News
  • Self-doubt, nawala dahil sa tulong nina Direk Irene: JULIA, super proud and blessed na maka-trabaho si ALDEN

    HINDI nga napigilan nina Alden Richards at Julia Montes na maging emotional nang matanong sa kanilang first team-up sa pinag-uusapang movie na ‘Five Breakups and a Romance’.     Mapapanood na ito sa October 18 mga sinehan nationwide at produced ng Cornerstone Studio, GMA Pictures at Myriad Entertainment.     Sa ginanap na Red Carpet […]

  • SBP doble kayod sa paghikayat sa FIBA para maglaro sa Gilas si Clarkson

    Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga opisyal ng FIBA para makuhang makapaglaro sa Gilas Pilipinas si NBA Filipino-American player Jordan Clarkson.   Sinabi ni SBP President Al Panlilo, nais nilang ipabasura sa FIBA ang pag-require sa mga atleta na dapat mag-secure sila ng passport sa edad 16 bago maging […]

  • Teves, hari-harian sa Negros Oriental – Mayor Degamo

    INILAHAD  ni Pamplona Mayor Janice Degamo ang ginagawang paghahari-harian ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., at kanyang mga kaanak sa kanilang lalawigan sa Negros Oriental.     Sa pagdinig ng Senado patungkol sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, direktang itinuturo ni Mayor Degamo si Teves na may kinalaman sa mga nangyayaring patayan sa […]