• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na

NANANAWAGAN  ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19.

 

 

“We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the flight and of course, test them upon arrival,” payo ni Dr. Tony Leachon sa Inter-Agency Task Force on COVID-19.

 

 

“If they are to be positive, they will be quarantined for about 7 days.”

 

 

Dapat umanong gayahin na ng Pilipinas ang ipinatutupad ng ibang bansa na restriksyon dahil sa patuloy na kakulangan sa datos at transparency ng virus sa China. Aminado rin ang Beijing na imposible na nilang makalkula ang lala ng outbreak nang tapusin nila ang mandatoryong “mass testing” noong nakaraang buwan.

 

 

Ikinatwiran ni Leachon na bagaman maayos ang kundisyon ng Pilipinas, maaaring mabaligtad ito sakaling kumalat ang mga bagong subvariants na nananalasa sa China lalo na at bumababa na ang immunity ng mga Pilipino at mababa ang nagpapabakuna ng booster shots sa ngayon.

 

 

Una nang iginiit ng Department of Health (DOH) na epektibo pa rin ang ipinatutupad na health protocols ng bansa sa anumang uri ng COVID-19 variants.

 

 

Pero para kay Leachon, kailangan nang baguhin ng gobyerno ang COVID-19 protocols patunay ng pananaw ng mga eksperto sa mundo na maaaring magkaroon ng bagong COVID-19 surge sa susunod na tatlong buwan.

 

 

Dapat umanong ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask, at madaliin na ang pagbili ng mga bagong “bivalent vaccines” at dagdag na mga antiviral na gamot.

Other News
  • Obiena umaasang muling makakasama sa Philippine team

    SA pagbabago ng liderato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay umaasa si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena na muli siyang mapapasama sa national team.     Nagbitiw si Philip Ella Juico sa kanyang puwesto bilang PATAFA president noong Hunyo para tutukan ang ‘personal and business interests’ niya at pinalitan […]

  • China atras sa Int’l sports

    Pansamantalang hindi muna lalahok ang China sa mga international competition at sports sa natitirang buwan ng 2020.   Ayon sa China, tigil muna rin umano ang ginagawa nilang pagsasanay para sa paglahok sa 2022 Winter Olympic Games sa Beijing at Zhangjiakou.   Naapektuhan umano ng nasabing kautusan mula sa General Administration of Sports ang anim […]

  • Mga atleta tuturuan sa paggasta’t pag-iimpok

    MAKALIPAS pangunahan ang Team Philippines sa 2019 Southeast Asian Games Championship, tuturuan naman ng Philippine Sports Commission o PSC sa tamang pamumuhay para sa magandang kinabukasan ang mga atleta buhat sa mga pinaghirapan nilang kinita.   Magsasagawa ang government sports agency ng two-day financial literacy online seminar and workshop para sa national athletes at coaches […]