Travel restrictions sa 10 bansa, pinalawig hanggang Setyembre 5
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang kasalukuyang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Setyembre 1 hanggang 5, 2021.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nasabing travel restrictions ay bahagi ng pro-active measures para mapabagal ang pagtaas n bilng ng COVID-19 cases, mapigil ang pagkalat ng variants at itaas ang umiiral na healthcare capacity sa bansa.
Matatandaang noong Agosto 15 ay inaprubahan naman ng pamahalaan ang kahilingan ng mga airlines na ipagpatuloy ang kanilang international transit hub operations.
Lilimitahan ang international transit hub operations sa airside transfers sa pagitan ng Terminals 1 at 2 at sa loob ng Terminal 3 ng NAIA at para lamang sa mga biyahero na mula sa mga bansa at teritoryo na nasa Green List.
Ang mga biyahero na magpapakita ng sintomas ay dapat sumunod sa isolation at quarantine protocols at dapat sagutin ng kanilang airlines. (Daris Jose)
-
PSC very proud sa Philippine weightlifters at fencers
Gusto sana ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng magandang pagsalubong ang mga umuwing national weightlifting at fencing teams mula sa mga sinalihang Olympic qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan. Ngunit simpleng salubong lang ang ginawa ng PSC dahil sa quarantine restrictions. “Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, […]
-
PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon
Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito. Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito. “A transport infrastructure project like […]
-
Pope Francis nagpaabot ng pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyong Agaton
NAGPAHAYAG ng pagkakaisa at pagkaawa si Pope Francis sa mga biktima ng bagyong Agaton sa bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa kanyang sulat na ipinaabot ni Cardinal Pietro Parolin ang Secretary of State, kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, nakasaad doon ang pakikidalamhati ng Santo Papa sa mga biktima ng […]