• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel restrictions sa mahigit 30 bansa extended hanggang Enero 31

EXTENDED ang travel restrictions sa mahigit na 30 bansa hanggang Enero 31, 2021 ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na palawigin ng hanggang Enero 31, 2021 ang entry travel restrictions at rules na naaangkop sa lahat ng biyahero na mula o manggagaling mula sa mga bansang…

 

  1. The United Kingdom
  2.  Denmark
  3. Ireland
  4. Japan
  5. Australia
  6. Israel
  7.  The Netherlands
  8. The People’s Republic of China, kabilang na ang Hong Kong Special Administrative Region
  9. Switzerland
  10. France
  11. Germany
  12. Iceland
  13. Italy
  14. Lebanon
  15. Singapore
  16. Sweden
  17. South Korea
  18. South Africa
  19. Canada
  20. Spain
  21. United States of America
  22. Portugal
  23. India
  24. Finland
  25. Norway
  26. Jordan
  27.  Brazil
  28.  Austria
  29.  Pakistan
  30.  Jamaica
  31.  Luxembourg
  32. Oman

Sinabi ni Sec. Roque na hindi kasama sa listahan ang United Arab Emirates dahil mismong ang Pangulo ang maga-anunsyo kung dapat ngang isama sa listahan o hindi.

“List is for extension of restrictions and not for new,” giit ni Sec. Roque.

Kaugnay nito, inatasan din ng IATF ang Department of Transportation na mahigpit na magpatupad ng issuances sa mga airline na magsasakay ng mga pasahero na mahigpit na pinagbabawal na makapasok sa Pilipinas ayon sa travel restrictions ng office of the president at ng inyong IATF.

Sa kabilang banda, papalakasin ang contact tracing protocols kung saan isasama ang third generation contacts para sa new variant cases. Lahat ng matutukoy na close contacts ay kailangang sumailalim sa mahigpit na facility-based 14-day quarantine samantalang ang natirang contacts mula sa flight manifest ay papayuhan sumunod sa appropriate quarantine protocols.

Sa kabilang dako, inatasan naman ng Department fo the Inetrior and Local Government (DILG) na maglabas ng advisories sa mga local government units para paghandaan at palakasin ang maintenance ng kanilang quarantine faciltiies.

Nais ng DILG na tiyakin na mapapatupad ng tama ang paggamit ng StaySafe.ph system ng mga LGUs para sa contact tracing.

Sa mga nagpostibo, liban sa prescribed testing and quarantine protocols, kailangan nilang sumailalim sa whole-genome sequencing na gagawin ng Department of Health, University of Philippines Philippine Genome Center at ang National Institutes of Health (UP-INHS).

Kaugnay nito, ang Overseas Workers Welfare Administration at ang DOTR One Stop Shop ay sisiguraduhin na magpapatupad ang tamang protocols sa mga nagpositibo na new Covid-19 variants.

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang pagpapatuloy ng weekly genomic bio surveilance activities ng Department of Health, UP-PGC, UP-NIH sa mga papasok na pasahero at local cases kung saan binibigyang prayoridad ang mga pasyentong nasa reinfected patients at ang nasa clusters.

Ipinag-utos ng IATF ang pagkakaroon ng small working group para maresolba ang mga isyu tungkol sa funding availability at paggamit ng quarantine facilities at eventual handling sa LGUs ng mga paparating na mga overseas Filipinos. Ang DOH ang inatasan na manguna sa small group na ito.

Sa iba pang mga bagay, inaprubahan ng IATF ang updated criteria for selecting priority areas for Covid-19 vaccines deployment ng Department of Health, in consultation with the interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) for Covid-19 Vaccines.

At panghuli, irevise ng IATF ang operational capacity ng road, rail, maritime and aviation centers sa pampublikong transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.

“Yan po ang pinakahuling balita galing sa inyong IATF. Uulitin ko po, ang travel restrictions apra po sa mga bansang meron na pong variant ng Covid-19, sumatotal 30 countries po ito po ay pinalawig pa hanggang January 31 ng taong ito,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd, nire-require ang mga hindi bakunadong guro, personnel na magpakita ng negatibong COVID test results habang may onsite reporting

    KAILANGAN munang magpakita ang mga unvaccinated teaching at non-teaching personnel ng negatibong resulta ng coronavirus test bago pa payagan ang mga ito na makapasok sa school premises para sa onsite reporting.     Sa pagsisimula ng rollout ng expansion phase ng limited face-to-face classes ngayong buwan, pinaalala ng DepEd sa mga guro at iba pang […]

  • Experts and advocates underscore need to synergize strengths and collaborative efforts to drive progress and innovation in cancer care

    TO RESHAPE the landscape of cancer care in the country, the Philippine Society of Oncologists (PSO), in partnership with the cancer advocacy campaign Hope From Within, a health forumtitled “Synergizing Strengths and Collaborative Efforts to Drive Progress and Innovation in Cancer Care.” The eventbrought together medical experts, health champions, local government units (LGUs), and healthcare […]

  • Ads June 21, 2024