TRB: RFID 3-strike policy tuloy na sa May 15
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
Sisimulan nang ipatupad ng Toll Regulatory Board ang 3-strike policy kung saan pagmumultahin ang mga motorista na gumamit ng tollways’ cashless lanes kahit na kulang ang load.
Ayon sa mahigpit na regulasyon ng TRB, ang mga lalabag sa policy ay bibigyan ng warning sa una at ikalawang offenses. Sa ikaltlong offense naman ay kukunin ang driver’s license at magbabayad ng P1,000 na multa.
“The three-strike policy is timely. We are just trying to give justice and fairness to many responsible and compliant RFID subscribers who are inconvenienced by the irresponsibility of the few who would not want to load or who would not want to be responsible subscribers,” wika ng TRB.
Sa pamamagitan ng three-strike policy, ang pamahalaan ay umaasa na mawawala ang pagkabalam sa mga toll lanes at maiiwasan ang mga reklamo ng mga motoristang mayrong RFID tags at load credits.
Noong nakaraang taon ay binigyan ng Department of Transportation (DOTr) na hanggang Nov. 12 ang pagpapatupad ng 100 percent cashless scheme sa lahat ng expressways. Subalit inilipat ito noong Dec. 1 upang bigyan pa rin ng tamang pagkakataon ang mga motorista upang maglagay ng RFID stickers.
Muli, upang masigurado ang pagkakaron ng efficient na implementasyon, ang DOTr at TRB ay nagbigay na naman ng panibagong deadline hanggang Jan. 11, 2021 na walang multa ang ipapataw sa mga motoristang walang RFID. Pinagutos rin na ang paglalagay ng mga RFID ay patuloy pa rin kahit na tapos na ang transition period para sa mga non-frequent tollways users.
Sa nakaraang plano, sinabi ng DOTr na pagkatapos ng Jan.11 hindi lahat ng lanes sa toll gates ay gagawing stickering lane.
“Only one or two stickering lanes or one installation tent before entry at the toll gate would be assigned wherein RFID can be installed on vehicles,” saad ng DOTr.
Dagdag pa rin ng DOTr na sinabihan nila ang mga toll operators na dapat silang maglagay ng signages kung saan mayron stickering lanes upang malaman ng mga motoristang walang RFID kung saan sila pipila.
“They can be issued a ticket if they will line up in the RFID only lane, especially if they will cause delays to the vehicles behind them,” wika pa rin ng DOTr. (LASACMAR)
-
Ads June 10, 2023
-
LTFRB: Unconsolidated jeeps, UV Express puwedeng mag- operate sa may mababang bilang ng consolidated routes
ISANG resolusyon ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinapayagan ang unconsolidated jeepneys at UV Express na magkaroon ng operasyon sa may 2,500 na ruta na may mababang bilang ng consolidation. Nakalagay sa LTFRB Board Resolution No. 53 Series of 2024 na ang mga unconsolidated na pampublikong […]
-
Gilas player Kevin Quiambao bumida sa panalo ng DLSU para maitabla sa 1-1 ang UAAP Season 87 kontra UP
HINDI pa bumitaw ang De La Salles University matapos na makuha ang emosyonal na panalo 76-75 laban sa University of the Philippines sa best of three finals ng UAAP Season 87 men’s basketball. Nanguna sa panalo si Kevin Quiambao kung saan naipasok niya ang kaniyang three-pointer sa natitirang dalawang minuto ng laro […]