Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23.
Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa pangunguna ni president/CEO Dr. Daniel Razon.
Makakakampi nina Caidic at Abarrientos ang mga dating PBA star ding sina Anthony Helterbrand at Willie Miller, at mga manlalaro ng UNTV na sina Rod Vasallo ng PITC, Anton Tolentino ng PNP, Julius Casaysayan ng Department of Agriculture, at Carlo Gonzalez at Macky Escalona ng GSIS.
Makakatunggali naman nila ang celebrity squad na binubuo nina Mark Herras, Ejay Falcon, JayR, Young JV, Jordan Herrera, Adrian Alandy, James Blanco, Albie Casino, Gerhard Acao, Axel Torres at Rayver Cruz.
Si Crispa great Fortunaro Co, Jr. ang match director. Hahawakan ni Edgardo Cordero ang Legends-UNTV, si Emman Monfort ang sa Celebrities. May volleyball exhibition din ang celebrities at current players kung saan nagkumpirmang lalahok sina Gretchen Ho, Aya Fernandez at Gwen Zamora.
“Basta puwede ako makatulong, handa ako parati,” pahayag ni Caidic. “Nakakaawa ang mga kababayan natin sa Batangas. Dapat lang damayan natin.” Panoorin po natin, lalo na ang mga panatiko ng basketbol. Masisiyahan na kayo, nakatulong pa kayo sa ating mga mahal na kababayan. (REC)
-
Rider todas, angkas kritikal sa hit and run ng trailer truck
NASAWI ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang angkas matapos ma hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente […]
-
Halaga ng piso muli na namang sumadsad sa all-time record low versus sa dolyar
MULI na namang naitala ang record breaking na paghina ng Philippine peso laban sa US dollar matapos na magsara ngayong araw sa P58.99. Batay sa record ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ito na ang ika-limang sunud-sunod na trading day na sumadsad ng husto ang piso. Noong huling trading ng […]
-
May ‘good vision’ kahit baguhan lang sa pulitika… ARJO, dream talaga na maging isang mabuting public servant
HINDI na bagito sa acting si Migs Almendras. May acting experience na siya sa pelikula, TV, teatro at commercials. Winner siya ng Best Actor Award mula sa ALIW para sa mahusay niyang performance sa stage play na ‘Under My Skin.’ Nakalabas na rin siya sa BL film na Hello […]