• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tropa ni LeBron niresbakan ng Heat

Sa kanilang NBA Finals rematch matapos ang apat na buwan ay niresbakan ng Miami Heat ang nagdedepensang Lakers, 96-94, tampok ang 27 points ni guard Kendrick Nunn.

 

 

Tumipa si Jimmy Butler ng 24 points at 8 rebounds para sa Miami (13-17) habang humakot si center Bam Adebayo ng 16 mar­kers at 10 boards.

 

 

Naimintis ni guard Alex Caruso ang kanyang long jumper sa huling posesyon ng Lakers kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

 

 

Nagposte ni LeBron James ng 19 points, 9 assists at 9 rebounds para sa home team na muling hindi nakuha ang serbisyo nina injured starters Anthony Davis at Dennis Schröder.

 

 

Sa Memphis, kumamada si Devin Booker ng 23 points kasama ang lima sa franchise-record na 24 three-poin­ters ng Phoenix Suns (19-10) para sa kanilang 128-97 paggupo sa Grizzlies (13-13).

 

 

Sa Charlotte, isinalpak ni Terry Rozier ang isang off-balance jumper sa pagtunog ng final buzzer para sa 102-100 paglusot ng Hornets (14-15) kontra sa Golden State Warriors (16-15).

 

 

Sa Chicago, nagpasabog si Zach LaVine ng 38 points sa 122-114 pagsuwag ng Bulls (13-16) laban sa Sacramento Kings (12-17).

 

 

Sa Portland, tumapos si Russell Westbrook na may triple-double sa kanyang 27 points, 11 boards at 13 assists para sa 118-111 pagdaig ng Washington Wizards (10-17) sa Trail Blazers (18-11).

Other News
  • Base sa pahayag ng isang Infectious Disease expert: COVID 19, nagiging endemic na

    SINABI ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana na nagiging endemic na ang COVID 19 at ang sirkulasyon nito ay maihahalintulad sa sipon na hindi na  tuluyang mawawala pa.     Inamin ni Salvana sa Laging Handa public  briefing na hindi na sila masyadong nakatutok   pa sa bilang ng mga naitatalang kaso ng covid 19  […]

  • VP Sara, absent sa UN educ summit

    ABSENT at hindi dadalo si Vice President at Education chief Sara Duterte  sa United Nations education summit  na nakatakdang idaos sa susunod na linggo.     Sinabi ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Kira Christianne Danganan-Azucena  na  ang tatayong kinatawan ng Pilipinas sa nasabing okasyon ay si  DFA Secretary Enrique Manalo.     […]

  • 3 bansa, kinukunsidera bilang employment markets para sa OFWs- POLO

    TATLONG bansa ang kinukunsidera bilang  employment markets para sa Overseas Filipino Workers (OFWs), ayon sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon.     Sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen na tinitingnan nila ang bansang  Turkey, isa rin sa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO kasama na rin ang mga bansang Georgia, Azerbaijan, at […]