Tropang Giga hinugot si Khobuntin
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
Kaliwa’t kanan ang galawan sa PBA kaya’t asahan ang mas matinding bakbakan sa pagbubukas ng Season 46 sa Abril sa isang bubble setup.
Hinugot ng Talk ’N Text si Glenn Khobuntin mula sa free agency para makatulong sa frontline ng Tropang Giga.
Nakapagtala si Khobuntin ng averages na 7.8 points at 2.4 rebounds sa huling season nito sa Terrafirma noong PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark bubble.
Makakatuwang ni Khobuntin sa Tropang Giga si Troy Rosario na katropa nito sa National University gayundin sina Poy Erram, Jay Washington, David Semerad at Lervin Flores.
Magkasama sina Khobuntin at Rosario nang tulungan nila ang Bulldogs na makopo ang kampeonato sa UAAP Season 77.
Sa kabilang banda, nagpasya ang pamunuan ng Rain or Shine na hindi na irenew ang kontrata nina Ryan Araña at Kris Rosales.
Wala pang linaw kung magreretiro na o magtutuloy pa sa paglalaro si Araña.
Ilan pa sa mga galawan ang pagkuha ng Barangay Ginebra kay MJ Ayaay.
-
59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR
WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease. Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular […]
-
OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre
Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group. Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26. Mas mababa ito kumpara sa […]
-
Pag-aalis ng face mask ‘wag muna – DOH
PUMALAG ang Department of Health (DOH) sa ipinalabas na kautusan ng isang local government unit (LGU) na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa ilang lugar. Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na masyado pang maaga para itapon na ang face masks o itigil na ang mandatory na pagpapatupad sa […]