• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Truck ban sa MM muling binalik; NLEX tumaas ang toll fees

Ang truck ban sa Metro Manila ay muling binalik simula noong nakarang May 17 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos sumailalim ang rehiyon sa mas di mahigpit na community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan.

 

 

Sa isang pahayag ng MMDA na nakalagay sa kanilang Facebook page, sinabi ng MMDA na ang mga trucks ay bawal dumaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila simula Lunes hanggang Sabado mula 6:00 hanggang ika 10:00 ng umaga at mula 5:00 hanggang 10:00 ng gabi.

 

 

“Along EDSA, trucks are totally banned from the Magallanes interchange in the city of Makati to North Avenue in Quezon City daily,” ayon sa MMDA.

 

 

Subalit ang mga trucks na may kargamentong madaling masira at mga agricultural products ay hindi kasali sa truck ban.

 

 

Samantala, ang lungsod ng pamahalaan ng Makati ay muling binalik ang kanilang modified number coding sa mga lansangan sa Makati.

 

 

Ang number coding scheme ay ipapatupad sa buong linggo maliban lamang kung holidays. Subalit ang mga sasakyan ng may sakay na dalawa o mas madami pa ay exempted sa nasabing modified number coding.

 

 

Ang buong Metro Manila sa ngayon ay wala pa rin number coding scheme at suspendido hanggang walang pang abisa sa publiko.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang mga motorista na gumagamit ng North Luzon Expressway (NLEX) ay kinakilangan ng magbayad ng mas mataas ng toll fee simula noong nakaraang Martes.

 

 

Pinayagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang NLEX Corp. na magkolekta ng karagdagang P2 para sa Class 1 na sasakyan, P3 sa Class 2 o buses at maliliit na commercial trucks at habang P4 naman sa Class 3 o malalaking trucks at trailers sa “open system.”

 

 

Ang open system ay kung saan ang flat rate ay pinapataw kada pasok kasama ang Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, Malabon City, Navotas City, Meycauayan City at Marilao, Bulacan.

 

 

Samantalang ang closed system naman ay sa pagitan ng Bocaue sa Bulacan at Mabalacat sa Pampanga.

 

 

Habang ang end-to-end travel ay mula sa Metro Manila hanggang Mabalacat ay magbabayad ng karagdagang P6 para sa Class 1. Ang Class 2 at Class 3 naman ay magbabayad ng karagdagang P14 at P16, ayon sa pagkakabangit.

 

 

“The increase is part of the approved periodic adjustments due in 2012 ang 2014,” ayon sa NLEX.  (LASACMAR)

Other News
  • 18-anyos pababa bawal pa rin lumabas – MMDA

    Nilinaw kahapon ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na bawal pa rin ang mga kabataang may edad 18- anyos pababa na gumala sa mga lansangan sa kabila ng pinaluwag na restrictions sa National Capital Region (NCR).     Kasunod ito ng pag­dagsa ng pami-pamilya sa mga pook pasyalan para mag-celebrate ng Father’s Day kahapon kasama ang […]

  • Bilang ng nagugutom sa Pinas, bumaba

    DAHIL sa epektibong pagtugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kahirapan, nagkaroon ng bahagyang pagbaba ang hunger rate sa bansa sa ikatlong bahagi ng taong 2023.     Batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), lumilitaw na ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nahaharap sa invo­luntary hunger, o yaong nakaramdam […]

  • PBBM sa AFP: Manatiling matatag, huwag isuko ang misyon

    PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na manatiling matatag at huwag isuko ang misyon para masiguro ang depensa ng bansa laban sa banta at mga hamon. Sa isinagawang oath-taking ceremony ng newly promoted generals and flag officers ng AFP, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Philippine military ay […]