• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Truck driver at helper, kinasuhan sa pagmamaniobra ng palitan ng manok

SINAMPAHAN ng  National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang indibidwal na responsible sa pagpapalit ng mga buhay na mga manok na nagresulta sa pagkakalugi ng mahigit P200K ng isang poultry company.

 

 

Kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in Relation to Article 310 of the Revised Penal Code  ang isinampang kaso laban kina Ruel Torres Barredo at Wilfredo Cruz habang kina Ryan Santos at Reynante Dechosa, truck driver at helper sa truck na ginamit na decoy na pinaghahanap pa sa kasalukuyan ay  nahaharap din sa kahalintulad na kaso.

 

 

Ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ng Foster Foods Inc (FFI) , isang kumpanya ng poultry products  at may iba’t-ibang farm at planta sa Luzon kung  saan napansin nila ang pagkakaiba ng timbang ng mga buhay na manok  mula sa kanilang farms at timbang ng buhay na manok na natatanggap nila sa kanilang mga planta

 

 

Modus operandi ng mga suspek ay pagpapalitin ang mga premium sized na manok na galing sa kumpanya sa mas mabababang timbang ng manok  na kinukuha sa Hermosa, Bataan.

 

 

Inireport ng kumpanya sa NBI dahilan upang magsagawa ng entrapment operation.

 

 

Una ay, nagpadala ng escort ang Riverview Farm upang mag-monitor sa biyahe ng kanilang dalawang trucks na may laman na buhay na manok gayunman, hindi umano nila nasundan ang isa nilang truck.

 

 

Pero iniulat na nagsabay   din ang dalawang truck sa tulay malapit sa Pulilan exit bago bumalik sa FFI.kaya humingi sila ng magsusupevise para sa unloading ng mga manok

 

 

Lumalabas na mayroong pakikialam sa truck GPS safety seal at padlock nito gayundin ang pakikialam sa GPS report.

 

 

Mayroon din pagbabago  sa timbang ng mga buhay na manok. Lumalabas na sa mga ikinakarga sa truck ay tumitimbang ng 4,191.23 kilograms pero sa truck scale ticket ang timabang ng manok ay 3,460 kilograms kaya lumalabas na mayroon pagkakaiba na 731.23 kilograms o kabuuan na damage loss na P167,451.67

 

 

Nang kinompronta ang driver at helper na si Barredo at Vicente, inamin nila na ipinalit nila ang 520 na mga premium -sized na manok sa maliliit sa isang lugar sa Hermosa.   Bataan kung saan tumanggap sila ng halagang P26,000 sa nasabing transaksiyon habang sina Marvin at Ian ang nag-tamper ng padlock. GENE ADSUARA

Other News
  • Maynila, ginawaran ng ‘Excellence in Digital Public Service Award’

    TUMANGGAP ng “Excellence in Digital Public Service” ng Gcash sa katatapos na Digital Excellence Awards ang Lungsod ng Maynila sa patuloy na pag-ani ng iba’t ibang anyo ng pagkilala sa ilalim ng pangangasiwa ni Mayor Honey Lacuna.     Sinabi ni Lacuna na kinilala ng digital wallet service provider ang napakalaking pagtaas ng mga online […]

  • BEA, nag-post nang napakagandang mensahe na tiyak na maraming tatamaan

    MAGANDA ang post na ito ni Bea Alonzo: “Kapag alam mong hindi ka naa-appreciate, lumayo ka na. Kapag hindi ka na mahal, umalis ka na. Kapag ramdam mong hindi ka na belong, umiwas ka na.     “Be strong enough to face the reality na hindi lahat ng gugustuhin mo, gugustuhin ka. In short, Life […]

  • Ads September 5, 2022