Truck driver na nakapatay sa mag-ina, inaming nakagamit ng droga
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
Patay ang isang vendor ng pakwan at ang sanggol niyang anak, habang 12 ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang tatlong sasakyan at isang tindahan sa Quirino Highway sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan, kamakalawa.
Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Del Monte Police, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber ng truck na si Zander Herrere Sena sa pakurba at palusong na bahagi ng kalsada.
Dahilan ito para magdire-diretso ang sasakyan sa mga tindahan sa gilid ng kalsada.
Napuruhan ang namatay na si Michelle Ramos at ang 3 buwan pa lang na anak na nagbabantay lang ng tindahan nang mangyari ang aksidente.
Nahagip din ang bahagi ng bahay ng residenteng si Dang Abaloyan pero galos lang sa paa at kamay ang kanyang tinamo.
Samantala, inamin ng driver ng truck na umararo sa ilang mga kabahayan na nagbunsod sa pagkasawi ng mag-ina sa Bulacan na ito ay gumagamit ng iligal na droga.
Ayon sa driver na si Eliazar Lumawag, na bukod sa nakagamit ito ng droga ay nawalan ng preno ang minamaneho nitong truck na pinagkargahan ng backhoe.
Dahil dito ay iniwasan niya ang jeep sa harapan niya kaya namali ito sa kanyang napasukan sa Barangay Santo Cristo, San Jose del Monte, Bulacan. (Daris Jose)
-
2 wanted persons, nalambat ng Valenzuela police
KALABOSO ang dalawang wanted persons matapos mabitag ng mga operatiba ng Valenzuela police sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Navotas Cities. Ayon Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa pangunguna […]
-
Transport advocacy group, nanawagan sa Marcos admin na resolbahin ang problema sa transportasyon sa bansa
NANAWAGAN ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw. Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term […]
-
Matagal ding naka-confine at nasa ICU: JOVIT, pumanaw na sa edad 29 dahil sa aneurysm
PUMANAW na si Jovit Baldivino, ang first winner ng ‘Pilipinas Got Talent’, sa edad na 29. Matagal-tagal ring naka-confine si Jovit sa ospital mula nang atakehin umano ito sa isang event sa Batangas. Binawian ng buhay si Jovit sa ICU (intensive care unit) ng Jesus of Nazareth Hospital dahil sa aneurysm, […]