Tserman sa Tondo, inireklamo sa illegal na aktibidades
- Published on March 9, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG sampahan ng kaso ng Manila Special Mayors Reaction Team (SMaRT) ang isang Barangay Chairman sa Tondo dahil sa mga reklamong sangkot sa iligal na mga aktibidad.
Sinabi ni SMaRT chief P/Major Rosalino Ibay Jr., na nakatanggap sila ng reklamo sa kanilang tanggapan mula sa hindi nagpakilalang concern citizen hinggil sa mga iligal na ginagawa ng tserman na si Brgy.Chairman Edgar Solis ng Brgy. 116 Zone 9, Dist.1 Manila.
Sa reklamo, naniningil umano si Solis sa palengke na hindi naman pumapasok sa Manila City Hall.
Bukod dito, naniningil din ng barangay certificate sa mga establisimyento sa nasasakupang barangay ng walang resibo kundi acknowledgement receipt lamang.
Gayundin ang Day Care building na ginagamit umano ni Solis na tirahan ng kanyang pangalawang pamilya at higit sa lahat ang umanoy paggamit nito ng iligal na droga.
Dahil sa reklamo, isinailalim sa survellaince si Solis sa pangunguna ni SMaRT P/Major Cicero M. Pura at PCPT Edward G. Samonte kung saan nakitang naninirahan nga ang pamilya ng tserman sa nasabing gusali kung saan ang kinukonsumo nitong kuryente at tubig ay naka-charge sa barangay.
Napag-alaman din na iligal ding nangongolekta ng parking fee at Talipapa market fee nang walang resibo ang barangay dahilan para mawalan ng kita ang pamahalaang lungsod.
Ang mga nakokolekta namang iligal parking fee ay kanilang pinaghahatian ng mga barangay officials kabilang na ang parking attendant na si Rebecca Alano.
Habang ang kabuuang nako-kolekta na P 500- P600 sa mga vendors sa Talipapa Market sa kahabaan ng Magsaysay St., Tondo,Maynila ay ibinibigay naman sa mga Tanod para umano sa kanilang pangkape at snacks habang ang natitira rito ay ibinibigay na kay Alano.
May mga ilang video namang kumalat sa Facebook at Youtube na lahat nang motorsiko na pumaparada sa kanilang barangay ay pinapayagan kapalit ng parking fee na kinokolekta ni Solis.
Dahil sa mga ebidensyang nakalap, malinaw na si Solis at iba pang kasabwat nito ay lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standard for Public Official and Employees,Presidente Roa Duterte, Executive Order No.24 (Reorganizing the Cabinet Clusters System by Integrating Good Governance and Anti-Corruption in their Policy Frameworks of all the Clusters and Creating the Infrastracture Cluster and Participatory Governance Cluster) at iba pang posibleng paglabag sa Revised Penal Code of the Philippines. (Gene Adsuara)
-
Scarlett Johansson’s ‘Tower of Terror’, Still in the Works After Lawsuit with Disney
DEVELOPMENT on Tower of Terror continues after Scarlett Johansson and Disney have come to a settlement. The Tower of Terror opened in Disney’s Hollywood Studios in 1994, with a Twilight Zone theme, and became such a massive hit with park goers that Disney brought the ride over to Disney’s California Adventure and Walt Disney Studio Park in […]
-
Ads September 14, 2020
-
P6.8 milyong shabu, nasamsam sa tulak sa Caloocan
AABOT P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang umano’y big-time tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit-National Capital Region (PNPDEG-SOU-NCR) Chief P/Col. Darwin Miranda ang naarestong suspek […]