• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsukii sumipa ng gold sa Cairo meet

Inangkin ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang gold medal matapos ungusan si Egyptian bet Areeg Rashed, 2-1, sa women’s kumite -50 kilogram division sa 2021 Karate1 Premier League sa Cairo.

 

 

Isang matulis na suntok ang nailusot ni Tsukii sa natitirang anim na segundo para takasan si Rashed sa kanilang finals match.

 

 

“We won the Premier League Tournament! Thank you for all your support,” sabi ni Tsukii sa kanyang Facebook post.

 

 

Para makapasok sa gold medal round ay kinailangang talunin ng 29-anyos na national karateka sina Aleksandra Grujic ng Austria, Yorgelis Salazar ng Venezuela at Ahmed Saleema ng Egypt.

 

 

Ito ang ikatlong gold medal ni Tsukii matapos magreyna sa nakaraang Golden Belt Tournament sa Cacak, Serbia noong Marso at sa Karate1 Premier League leg sa Lisbon, Portugal noong Mayo.

 

 

Kasalukuyang nasa No. 7 ang 2019 Southeast Asian Games gold meda­list sa kanyang kategorya sa pinakabagong listahang inilabas ng World Karate Federation (WKF).

 

 

Nauna nang nabigo si Tsukii na makakuha ng tiket para sa nakaraang Tokyo Olympic Games matapos matalo sa World Olympic Qualification Tournament sa Paris, France noong Hunyo.

Other News
  • Palasyo itinangging idinawit si Hidilyn Diaz sa ouster matrix noon, kahit totoo naman

    Imbes na humingi ng tawad, itinanggi pa ng Malacañang na naglabas sila ng “matrix” na nagdadawit sa isang atletang Pinay sa pagpapabagsak ng gobyerno ngayong nanalo ang nabanggit sa Olympics.     Mayo 2019 nang maglabas ng listahan si dating presidential spokesperson Salvador Panelo patungkol sa mga nais daw mag-destabilisa sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte — […]

  • Gobyerno, may ginagawa nang paghahanda para matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang bagong variant

    TINIYAK ng Malakanyang na may ginagawa nang paghahanda ang pamahalaan para masigurong hindi makapapasok sa bansa ang napaulat na bagong variant ng COVID-19 na Lambda variant na una ng natukoy sa Peru.   “Alam mo, lilinawin ko pa ho. Kahit ano pang variant ‘yan, kapareho po ang ating katugunan. Unang-una, iyong ating border control, pinagbabawalan […]

  • Pagpapatupad ng universal health care, isa sa “biggest projects” ni PBBM

    ISA sa “biggest projects” ng administrasyong Marcos ang ipatupad ang Universal Health Care Act.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa Koronadal City, South Cotabato, nang idaos ang paglulunsad ng Healthcare System and Referral Manual para sa lalawigan.     Ayon sa Pangulo, siya at ang bagong […]