Tubig sa Angat mababa na sa minimum operating level
- Published on July 11, 2023
- by @peoplesbalita
BUMABA na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig sa Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.
Mas mababa rin ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter noong Biyernes, Hulyo 7.
Nabatid na nasa 210 meters ang normal high water level o spilling level ng Angat.
Ang Angat ang nagsusuplay ng tubig sa 90 porsyento ng residente ng Metro Manila.
Dahil dito, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na maaaring bawasan ang water allocation sa Metro Manila kapag bumaba ang water level sa Angat.
Una nang nag-anunsiyo ang Maynilad na halos 600,000 customers nito ang makararanas ng siyam na oras na water interruption simula sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat dulot ng walang ulan na nararanasan sa may watershed ng dam.
Magsisimula ang water interruption ng 7:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga araw-araw.
Wala namang mararanasang water interruption ang mga customer ng Manila Water.
Samantala, nasa 98.76 meters ang water level sa Ipo Dam sa Bulacan, 745.32 meters sa Ambuklao Dam sa Benguet habang nasa 236.85 meters ang water level sa San Roque Dam sa Pangasinan at Benguet.
Nasa 179.39 meters naman ang water level sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija habang ang Magat sa Ifugao at Isabela provinces ay nasa 164.81 meters.
Una nang naideklara ng PAGASA na pumasok na ang El Niño sa Pilipinas na mararanasana hanggang unang quarter ng 2024. (Daris Jose)
-
SANYA, inamin na mas na-challenge sa pagganap na ‘First Lady’ kaya inaral na mabuti
NGAYONG Valentine’s Day, hinahandog ng GMA Entertainment Group ang isa sa most anticipated series at sequel sa Philippines’ No. 1 show for 2021, ang First Lady. The original drama stars once again the swoon-worthy pairing of award-winning actor Gabby Concepcion bilang President Glenn Acosta at ang brilliant Kapuso actress Sanya Lopez bilang First Lady Melody Acosta. […]
-
Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]
-
Sen. Win, Bistek laglag sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem
NILILINIS na nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kanilang senatorial line up para sa darating na eleksyon. Sa isang tweet sinabi ni Lacson na tanggal na sa line-up si Sen. Win Gatchalian at dating QC Mayor Herbert Bautista na may iba na umanong piniling suportahan na prinisipyo at […]