Tulak, nalambat sa Navotas drug bust
- Published on April 17, 2025
- by @peoplesbalita
SHOOT sa selda ang isang lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya sa Navotas City. Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA, nang magpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng 39-anyos na si alyas “Tulak”. Kaagad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu sa J. Alonzo St., Brgy. Daanghari, dakong alas-12:30 ng hating gabi. Nasamsam sa suspek na listed bilang street-level individual (SLI) ang 10.99 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P74,732 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at apat na P1,000 boodle money. Ayon kay Col. Cortes, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng kanyang mga tauhan sa laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang mga operatiba ng Navotas CPS sa kanilang mabilis at epektibong pagtugon. “The Northern Police District will remain relentless in our campaign against illegal drugs. We continue to work closely with other law enforcement agencies and the community to secure a safer and drug-free environment for all,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)
https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2025/04/ChatGPT-Image-Apr-17-2025-04_41_18-PM.png
-
Nanawagan na kilatising mabuti ang pulitikong iboboto: ANGEL, kalmadong sinagot ang paratang ng isang basher at ‘di dapat mag-away-away
SUPER react na naman ang netizens at matatapang ang kanilang komento sa IG post ni Angel Locsin na may art card na kulay pula at nagsusumigaw na ‘Never Again!’ May caption ang kanyang panawagan sa sambayanang Pilipino na, “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward. […]
-
Rhea, hangang-hanga sa attitude ng bagong endorsers… MIGUEL, inaming gandang-ganda kay YSABEL ‘pag bagong gising
PORMAL nang ipinakilala ng business magnate na si Ms. Rhea Tan ang endorsers para sa kanyang new beauty and wellness brand na Belle Dolls, na under Beautéderm Corporation. Kitang-kita ang sigla at glow ng negosyante sa nasabing grand launch na ginanap sa Novotel, Cubao, QC noong October 16. Kabilang sa mga unang batch ng […]
-
Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro
IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers. “We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike […]