• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak timbog sa buy bust sa Caloocan, P510K shabu, nasabat

MAHIGIT kalahating milyong pisong  halaga nang hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Michael Labriaga, 34 ng Brgy. 175, ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-12:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Robis 1, Brgy. 175.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P50,000 halaga ng shabu at nang tanggapin nito ang marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang large transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P510,000.00, buy bust money na isang P1,000 bill at P49 pirasong P1,000 boodle money at coins purse.

 

 

Pinuri naman ni National CapitalRegion Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo ang masigasig na kampanya ng Caloocan City Police kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa notoryus umanong drug pusher.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Diplomatic protest vs China, pwedeng araw-arawin – DFA

    Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na araw-arawin ang paghahain ng diplomatic protest, kung patuloy na maaantala ang pag-alis ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.     Ayon sa dalawang pahinang pahayag ng ahensya, sa kada araw ng pananatili ng mga dayuhang barko, ipoprotesta nila ito para […]

  • Kelot isinelda sa pananaksak sa kapitbahay sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 29-anyos matapos pagsasaksakin ang kanyang kapitbahay makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City.     Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na kinilala bilang si Marc Ale Canuto, 29 ng Dela Cruz, Dulong Tangke, Brgy. Malinta.     […]

  • Kamara inaprubahan panukalang regulasyon ng motorcycles-for-hire

    SA botong 200 pabor at isang tutol, inaprubahan ng Kamara ang panukala na iregulate ang motorcycles-for-hire sa bansa.         Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, naiintindihan ng Kamara ang pangangailangan na maging ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero at produkto.     Kabilang sa may-akda ng panukala sina Reps. Rachael Marguerite Del […]