• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak timbog sa buy bust sa Valenzuela, P238K shabu, nasamsam

MAHIGIT P.2 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Jerome Luangco, 42 ng Bonbon Ville Brgy., Ugong, ng lungsod.

 

 

Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-8:40 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Serapio St., Brgy. Gen T. De Leon matapos ang natanggap na impormasyopn hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng illegal na droga.

 

 

Sa tulong ng isang Regular Confidential Informant (RCI), nagawang makipagtransaksyon ng isang operatiba na nagsilbi bilang poseur buyer sa suspek ng P8,000 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka sinunggaban ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 35 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P238,000.00; buy bust money na isang tunay na P500, kasama ang 7 pirasong P1,000 at isang P500 boodle money, coin purse at P200 recovered money.

 

 

Pinuri naman National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Valenzuela City Police sa mahusay nilang trabaho na nagresulta sa pagkakaaresto sa umano’y notoryus drug pusher.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Most wanted person, nasilo sa Valenzuela

    ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.     Sa ulat ni […]

  • Dating asawa na si Carla, in-unfollow na rin: TOM, balik-socmed na at nag-post ng nakaiintrigang photo

    BINASAG na ni Tom Rodriguez ang pananahimik niya sa social media, nang mag-post siya ng isang nakaiintrigang photo sa kabila ng annulment rumors na ipa-file ng wife niyang si Carla Abellana.     At balitang nagpapatayo na ito ng bagong bahay habang naghihintay pa siya ng buyer ng kanyang posh condominium unit sa Pasig City. […]

  • Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19

    NANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque.   Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19.   Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na […]