Tulak timbog sa P122K shabu sa Malabon
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 ng Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.
Ayon sa ulat, dakong 11:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangununa ni PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni P/Capt. John David Chua sa kahabaan ng MH Del Pilar corner Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 18 gramo ng shabu na tinayatang nasa P122,400.00 ang halaga at buy bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensice Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
PDu30, nagsimula nang magligpit ng gamit; hinahanda na ang sarili bilang private citizen sa Davao
NAGSISIMULA nang magligpit ng gamit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pauwi ng kanyang tahanan sa Davao City. Nakatakda na kasing magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30. Ayon kay dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Christopher “Bong” Go, nagsimula na si Pangulong Duterte na mag-impake […]
-
Mga guro makakatanggap ng P1,000 bilang World Teachers’ Day Incentive – DepEd
Inanunsiyo ng Department of Education na lahat ng mga public teachers ay makakatanggap ng P1,000 additional benefit matapos inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB). Sa pahayag na inilabas ng kagawaran, inaprubahan ni Duterte ang P910 million na pondo upang mabigyan ang mga public teachers […]
-
Walo sa sampung Pinoy, pabor pa rin na maibalik sa ere ang ABS-CBN
KARAMIHAN o walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magbalik ang ABS-CBN’s sa telebisyon at radio, ayon sa isang recent mobile-app survey na nai–report sa isang major daily noong January 30. Nang tanungin kung pabor sila sa pagbabalik ng ABS-CBN sa nationwide broadcast operations, sinabi ng walo sa bawat 10 respondents sa […]