Tulfo, ipinag-utos ang paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act
- Published on August 18, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbalangkas at pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para patakbuhin o maging operasyonal ang Expanded Solo Parents Welfare Act.
Sinabi ng Kalihim na binuo ang technical working group (TWG) para mag- draft ng IRR ng bagong batas na magbibigay ng P1,000 monthly cash subsidy para sa low-income solo parents, kasama ng karagdagang benepisyo.
Sinabi ni Tulfo na inatasan na niya ang TWG para isa-pinal ang IRR ng batas sa loob ng 90 araw na “prescribed period,” idagdag pa ang “the solo parents will be able to receive the benefits immediately.”
“The new law will be of great help to solo parents, especially that they are raising their children single-handedly,” ayon kay Tulfo.
Maliban sa P1,000 monthly cash assistance para sa low-income solo parents, ang bagong batas ay magbibigay ng 10% discount sa ilang gamot para sa low-income solo parents na may anak na anim na taon pababa, pagbibigay-prayoridad sa low-cost housing, PhilHealth coverage, workforce, apprenticeships, livelihood training, reintegration programs para sa Overseas Filipino Workers, employment information/matching services, educational scholarships, at iba pang anti-poverty initiatives ng gobyerno.
Idagdag pa rito, pinapayagan ng bagong batas ang solo parents na makatanggap ng benepisyo hanggang ang kanilang anak ay umabot ng 22 taong gulang.
Sa ilalim ng batas, “a solo parent with children in school will also be priority in the selection of new beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program if the income is within or below minimum wage.”
Maaari rin aniyang mag-apply ang solo parent para sa livelihood assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program of the DSWD.
“With the new law in place, it is expected that more poor families headed by single parents will be assisted to have an improved quality of life,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, ipinalabas ng Malakanyang ang kopya ng Expanded Solo Parents Welfare Act na nag-lapsed into law noong nakaraang Hunyo 4. (Daris Jose)
-
Ads June 21, 2021
-
2 binitbit sa cara y cruz at baril sa Malabon
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhanan ng baril ang isa sa mga ito sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naarestong mga suspek bilang si Allan Bataanon, 37, ng Mabolo St., Brgy., Maysilo at Norlito Pacon, 40, ng […]
-
Roque kokonsultahin si PDU30, pamilya ukol sa 2022 Senate bid
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kakausapin na muna niya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago magdesisyon kung maghahain o hindi ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-senador sa May 2022 elections. “Magkakausap muna po kami ni Presidente and I continue to consult with my family members and my supporters as […]