• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulong sa mga sibilyang nadamay sa pagbagsak ng C-130 tiniyak ng PAF

Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) ang tulong para sa mga sibilyan na nadamay sa pagbagsak ng C-130 aircraft kabilang ang isang 13-anyos na lalaki, isang buntis at dalawang sibilyan na kasalukuyang ginagamot sa hospital.

 

 

Nabatid na personal na pinuntahan at pinasalamatan ni PAF Wing Commander, Tactical Operations Wing Western Mindanao na si Colonel Dennis Estrella ang mga sugatang sibilyan sa ospital na ngayon  ay nasa recovery stage na.

 

 

Binisita rin ni Estrella ang mga sibilyan na unang rumesponde sa pagbagsak ng C-130 aircraft sa Patikul, Sulu upang bigyang pagkilala ang kabayanihan sa pagtulong na mailigtas ang mga sundalo na naipit sa gitna ng aksidente.

 

 

Aniya, ito ay bahagi ng pagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat ni Phl Air Force Chief, Lieutenant General Allen Paredes sa mga residente at sibilyan na nagpakita ng malasakit at tapang upang tulungan at sagipin ang mga sundalo.

 

 

Samantala,  sinabi pa ni  Estrella na isasailalim nila sa ‘Search and Rescue’ training ang mga sibilyan na agad rumesponde sa insidente upang mabigyan ng pormal na kaalaman at  makatulong pa ang mga ito sa kanilang komunidad. (Gene Adsuara)

Other News
  • Drug suspect kalaboso sa P174K shabu sa Caloocan

    KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation […]

  • JANNO, in-insist talaga na makasama sina MANILYN at BING sa ipinagmamalaking dream project

    SI “Mang Jose”, ang superhero na ginawa at in-introduce ng bandang Parokya ni Edgar sa kanilang sikat na awitin noong 2005 na may lyrics na, “Ang superhero na pwedeng arkilahin/Mang Jose, parang si Daimos din/Ngunit pagkatapos ay bigla kang sisingilin.”     Na ngayon ay isa ng ganap na ‘superhero movie with a twist’, na […]

  • Dahil sa pag-come-out na isa ring kakampink: ANNE, naikumpara ng netizens kay TONI na kilalang BBM supporter

    NAGLABAS na ng statement si Anne Curtis kung ano ang political color o kung sino ang Presidenteng sinusuportahan niya.     Ang daming nag-comment at halos umabot ng 15,000 ang retweet sa simpleng pagre-retweet ni Anne ng kakampink crowd sa Iloilo campaign sortie ni Vice President Leni Robredo.           Ni-retweet lang ni Anne […]