• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy na tuloy ang Miss World 2021 Coronation: TRACY MAUREEN, handa nang ipakita na kayang mapanalunan ang korona

TULOY na ang Miss World 2021 Coronation matapos itong maantala last December 17 dahil sa Covid-19 pandemic.

 

 

Ready na ang Philippine bet na si Tracy Maureen Perez to conquer greater heights at ipakita na kaya niyang mapanalunan ang korona as she competes with 40 candidates aiming to win the Miss World 2021 crown.

 

 

Ang Cebuana beauty queen ay nagkaroon ng good start nang makakuha ng slot sa Top 30, matapos niyang magwagi sa second round ng Head-to-Head challenge.

 

 

Napili rin siya among the Top 5 finalists para sa Beauty with a Purpose challenge, kung saan ibinandera ang kahalagahan ng empowering single parents.

 

 

Ang Miss World 2021 ay gagawin sa Jose Miguel Agrelot Coliseum sa San Juan, Puerto Rico today, March 17, 8 a.m. Philippine Standard Time.

 

 

The coronation will be streaming LIVE online and commercial-free via Upstream PH.

 

 

Oras na para ipakita natin ang suporta kay Tracy kaya nood na ng Miss World 2021 night anytime, anywhere, via Upstream PH!

 

 

***

 

 

AMINADO si Andrei Yllana na naging pasaway siya when he was still in high school.

 

 

Sinabi ng anak ng estranged couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana na lahat ng kalokohan na pwedeng gawin ng isang estudyante ay ginawa niya.

 

 

Butas-butas ang attendance niya (meaning ‘di siya pumapasok) o kaya late siya dumarating sa klase.

 

 

“It was like that when I was in my first two years in high school. Pero I realized na hindi rin naman maganda ang ginawa ko kaya bumawi naman ako,” sabi ni Andrei na kasama sa Vivamax series na The Seniors na streaming na sa March 20, pinagbibidahan ito nina Julia Barretto Awra Brigeula, Andrea Babierra at Ella Cruz.

 

 

***

 

 

BATA pa siya ay pangarap na ni Ronnie Liang na maging piloto.

 

 

Pero alam daw niya na medyo mahirap tuparin ang dream niya dahil magastos ang kursong ito.

 

 

Pero this did not stop to continue dreaming kaya naman malapit-lapit na niyang matupad ang pangarap niya na maging commercial pilot.

 

 

Sa isang chikahan over merienda, ibinahagi ni Ronnie ang hirap na kanyang pinagdaan nang mag-volunteer siya sa Philippine Army. Mahirap daw ang training nakayanan naman niya.

 

 

Masayang ibinalita ni Ronnie na he was promoted recently. First lieutenant na ang kamyang ranggo and may mga sundalo under him.

 

 

Isa si Ronnie sa jurors ng Sing-Galing na isa sa mga top-rating shows ng TV 5.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop

    IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop.     Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng  Senate Blue Ribbon […]

  • Sobrang blessed na nandito pa rin bilang Kapuso: DENNIS, hindi akalain na tatagal ng dalawang dekada

    ASAHAN ang mas maraming groundbreaking performances mula sa award-winning actor at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, sa muli niyang pag-renew ng kontrata sa GMA Network na ginanap noong Oktubre 10.   Bahagi ito ng selebrasyon para sa kanyang ika-20 anibersaryo bilang Kapuso. Pumirma para sa GMA sina Chairman at Chief Executive Officer Atty. […]

  • Followers ni KRIS, umaasang mapapanood na nila sa isang talk show

    BASE sa teaser na pinost ni Kris Aquino sa kanyang IG account at FB page nitong Miyerkoles ng gabi at binanggit niya ang PURE AT GOLD, posible kayang mapanood na siya sa isang talk show at ang Puregold ang producer niya?   “And there’s not much left of me, what you get is what you […]