• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuwang-tuwa at napahanga siya ni Herlene: CRIS, dedma na lang kung ‘di siya nakikilala ng ibang young stars

ISA sa madalas maging isyu ngayon ay ang tungkol sa ilang young stars na hindi marunong magbigay-galang o respeto sa mga senior o veteran stars.
Kaya natanong namin si Cris Villanueva kung siya ba ay nakaranas ng sitwasyon kung saan hindi siya pinansin o binati ng katrabaho niyang mas nakababatang artista.
Aniya, “Hindi ko na iniintindi yung ganun.
“Basta ako feeling ko, pagka hindi nila ako nakikilala, okay lang.
“Kasi naaalala ko nung baguhan din ako, talagang pinipilit kong alalahanin yung mga mas beterano, para hindi ako masabihan ng ganun at napaka-stressful din nun, di ba?
Parang kung minsan talagang hindi mo na sila napapanood, nagbalik galing sa ibang bansa tapos biglang sumalang, yun pala beterano pala, so nakaka-stress din.
“So hindi ko na binibigyan ng problema yung mga young stars natin, na parang hindi nila ako nakikilala, okay lang.
“I mean, you know, sa akin kasi marami na rin namang siyempre talagang bagung-bagong or yung mga hindi talaga nanonood, biglang naging artista, hindi inabutan ang That’s Entertainment, hindi naman nanonood ng mga palabas ko, so okay lang.”
Dating miyembro si Cris ng sikat na teen-oriented show na ‘That’s Entertainment’ ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno noong dekada otsenta.
Ngayon namang 2025 ay kasali si Cris sa GMA series na ‘Binibining Marikit’ kung saan siya ang gumanap na ama ni Herlene Budol na bida sa naturang programa kasama ang iba pang new generation stars tulad nina Tony Labrusca, Thea Tolentino, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras at ang male pageant winner-turned Sparkle artist na si Kevin Dassom.
Kumusta katrabaho ang mga kabataang artista ng Binibining Marikit sa set?
“Dito lahat ng nakatrabaho ko dito, very polite. “Talagang nagpapakilala agad, pagpasok ng tent, ‘Ay ako nga pala si ano’, and I like that.
Nakakatuwa yun para sa akin na ganun sila.
“Siguro tinuruan or napagsabihan, but it feels nice para sa katulad ko, na yun nga, they go out of their way to introduce themselves.
“Dito sa set namin kasi masaya e, na parang from the start naman nandun ako, so parang nag-bond kami agad ng mga bagets, ng mga co-stars ko, so ang sarap.
“Lalo si Herlene, totoo yung sinasabi nila na iba yung energy ni Herlene e, hindi siya… basta binitbit niya lahat, kasi ano siya e, bubbly siya talaga.”
“Life of the party” kumbaga si Herlene kapag nasa taping sila?
“Yes, oo,” pakli ni Cris.
Kumusta gumanap na tatay ni Herlene?
Lahad ni Cris, “Madaling makipag-bond sa kanya kasi ano siya, very open siya e.
Katulad nga nung game na game siya, pag tinanong mo, sagot siya, hindi lang siya showbiz. Wala yung nag-iisip na baka makasira ng image, walang ganun, e. 
“Basta sasabihin niya agad sa ‘yo e, ‘Tay okay lang ba, ganito yung gawin?’ ‘Oo’, sabi kong ganun.
“Ano siya, very open, nakakatuwa kasi seryoso siya sa ginagawa niya, kahit na sabihin nating para siyang luka-luka na dire-diretso magsalita, seryoso siya.
“Meron siyang nag-a-advise sa kanya on how to attack it, pero meron siyang sariling atake na nakakatuwa, pati yung words na ginagamit niya, minsan nagugulat ako,” at natawa si Cris, “nakakatuwa.”
Bago ang ‘Binibining Marikit’ ay nag-cameo si Cris sa ‘Mga Batang Riles’ sa isang episode at sa regular show naman ay sa ‘Makiling’ nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio ay umere sa GMA nitong 2024; isa itong heavy suspense/drama series.
Ngayon naman ay very light na romantic/comedy ang ‘Binibining Marikit.
 
 
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • PANUKALANG BATAS PARA sa NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION, INIHAIN NA!

    Inihain na ni Sr. Deputy Speaker, Hon. Doy C. Leachon, ang HB9368 na may titulong “An Act Regulating the No-Contact Apprehension Policy in the Implementation of Traffic Laws, Ordinances, Rules and Regulations”   Kinikilala nito ang kahalagahan ng no-contact apprehension sa pagdi-disiplina ng mga drivers para sa kaayusan ng daloy ng trapiko, habang binibigyan din […]

  • Barangay captain sa Caloocan pinagbabaril todas, asawa sugatan

    NASAWI ang isang incumbent barangay captain habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gerardo Ragos Apostol, 56, Kapitan ng Barangay […]

  • Pag-upgrade sa flight systems kailangang ng ilang bilyong pondo para hindi na maulit ang aberya sa NAIA – DOTr

    POSIBLENG aabot pa sa tatlong araw bago tuluyang maka-recover ang flight operations. Kasunod ito naganap na technical issues sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) dakong 9:50 am kung saan naapektuhan ang nasa 56,000 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sinabi ng mga transport officials na ilang bilyong pesos ang kailangan para sa upgrades […]