U-turn slot sa Balintawak muling binuksan
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang U-turn slot sa EDSA malapit sa Balintawak na ikinatuwa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
“We would like to thank MMDA Chairman Benhur Abalos for reopening the U-turn slot near the Dario Bridge. This will help ease traffic congestion in the area and speed up travel time,” wika ni Belmonte.
Noong nakaraang taon ay hindi pinagbigyan ang pakiusap ng lungsod ng Quezon upang buksan ang nasabing U-turn slot upang bigyan daan ang EDSA bus system.
Si Chairman Abalos na natalaga noong nakaraang January ang siyang nagbago ng desisyon na saraduhan ang U-turn slot kung saan niya sinabi na ayon sa mga pag-aaral, ang pagbubukas ng U-turn slot ay makakaganda ng daloy ng mga sasakyan at makakabawas ng travel time sa nasabing lugar.
Inutusan naman ni Belmonte ang panglungsod na task force sa transport at traffic management na magdagdag ng mga enforcers upang tulungan ang mga tauhan ng MMDA sa pag-aayos ng trapiko.
Natuwa rin si Belmonte sa aksyon ng MMDA na pinakiusapan ang Metro Rail Transit-Light Rail Transit Common station na iusad pabalik ang mga fences na nakalagay sa kanilang working area upang mabuksan ang karagdagang lanes para sa mga motorista.
“We are working with the MMDA to find ways to decongest our roads, especially now that more people are going to work and for other purposes amid the easing of quarantine restrictions,” dagdag ni Belmonte.
Dagdag pa niya na kahit na binibigyan nila ng suporta ang mga transportation initiatives ng pamahalaan tulad ng EDSA Bus Carousel project hindi naman nila puwedeng pabayaan ang kapakanan ng mga mamayan na dumadaan sa EDSA.
“The MMDA and the city government will continue to explore short and long-term solutions to the perennial bottlenecks along EDSA. We are willing to help for as long as it will bring comfort to our constituents and ensure that their mobility is not hampered,” saad pa ni Belmonte.
Noong nakaraang taon, ang MMDA ay sinarahan ang madaming U-trun slots sa kahabaan ng EDSA na siyang naging sanhi ng pagsisikip sa nasabing highway at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila. (LASACMAR)