• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UAAP crown sinakmal ng NU

NAKUMPLETO ng National University ang matamis na 16-0 sweep upang matagumpay na masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.

 

 

Nagawa ito ng Lady Bulldogs matapos patumbahin ang De La Salle University, 25-15, 25-15, 25-22, sa Game 2 ng best-of-three championship series  kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Muling nagsanib-pu­wersa ang top hitters ng Lady Bulldogs sa pangu­nguna nina Mhicaela Belen, Princess Robles, Alyssa Solomon, Ivy Lacsina at Sheena Toring para tuldukan ang ilang dekadang pagkauhaw ng kanilang tropa sa korona.

 

 

Ito ang unang titulo ng Lady Bulldogs sapul noong 1957. Sa kabuuan, may tatlong titulo na ang NU sa liga.

 

 

Maliban sa 1957 season at sa 2022 season, nagreyna rin ang Lady Bulldogs noong 1954.

 

 

Ang NU rin ang ikatlong koponan sa UAAP Final Four era na naka-sweep sa buong season.

 

 

Una itong nagawa ng La Salle noong Season 67 na sinundan ng Ateneo de Manila University noong Season 77.

 

 

Inilagay naman ni Be­len ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng UAAP nang hablutin nito ang Rookie of the Year at Most Valuable Player awards.

 

 

Si Belen ang kauna-unahan nakagawa nito sa women’s division ng liga.

 

 

Maliban sa ROY at MVP, napasakamay din nito ang First Best Outside Hitter trophy.

 

 

Nasa No. 1 ito sa service area (0.47 per set), No. 3 si Belen sa scoring matapos makalikom ng kabuuang 203 points sa eliminasyon, No. 2 sa spi­king (38.96 percent success rate), No. 8 sa digs (2.38 per set), No. 6 sa reception (40.85 efficiency rate).

 

 

Umani rin ng individual awards ang kapwa NU players nitong sina Camilla Lamina (Best Setter), Alyssa Solomon (Best Opposite Spiker), Jennifer Nierva (Best Libero) at Sheena Toring (Second Best Middle Blocker).

 

 

Ang iba pang awardees ay sina Faith Nisperos ng Ateneo de Manila  University (Second Best Outside Hitter) at Thea Gagate (First Middle Blocker).

 

 

Itinanghal na Finals MVP si Robles.

Other News
  • Pinas ika-20 bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

    PUMASOK sa ika-20 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) sa buong mundo.   Ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center, nasa ika-20 ang Pilipinas na may 314, 079.   Sumunod naman sa listahan ang Pakistan na mayroong 312,806 na kaso habang nasa ika-19 na puwesto ang Italy na mayroong […]

  • ICC, dadaan sa butas ng karayom bago mailantad ang katotohanan sa drug war sa bansa

    DADAAN SA BUTAS ng karayom at magiging mahirap para sa International Criminal Court na ilantad ang katotohanan sa drug war sa bansa.   Ito’y dahil na rin sa posisyon ng Philippine government na hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa nasabing usapin.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na […]

  • Pinoy athletes hahataw naman sa Tokyo Paralympics

    Matapos ang Tokyo Olympics, tututok naman ang Pilipinas sa kampanya ng differently-abled athletes sa prestihiyosong Tokyo Paralympics na tatakbo mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.     Ipadadala ng Pilipinas ang anim na atleta na sasabak sa apat na events.     Mangunguna sa ratsada ng Team Philippines si Asian Para Games multiple gold medalist […]