• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ugas tataob kay Pacquiao sa rematch — Fortune

Umaasa si strength and conditioning expert Justine Fortune na ikokonsidera ni People’s Champion Manny Pacquiao ang rematch kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas para sa kanyang final fight.

 

 

Gusto ni Fortune na muling sumalang si Pacquiao sa huling pagkakataon dahil ayaw nitong magretiro ang Pinoy pug ng ganun ganun na lang.

 

 

Sa kabila ng tensiyon sa coaching staff, gusto pa rin ni Fortune na makasama ang Pinoy champion sa huling laban nito.

 

 

Sa oras na maikasa ang rematch, optimistiko si Fortune na kayang-kaya ni Pacquiao na pabagsakin si Ugas dahil napagpag na ang kalawang nito.

 

 

“For me, I don’t want Manny to retire with a loss. I wouldn’t mind a rematch with Ugas. I think Manny should be able to beat him with no more ring rust,” ani Fortune sa Boxing Scene.

 

 

Matagal-tagal ding hindi sumabak si Pacquiao — mahigit dalawang taon mula nang talunin nito si Keith Thurman noong Hul­yo ng taong 2019.

 

 

Alam ni Fortune na may ilang pagkakamali sa training camp ni Pacquiao noong naghahanda ito para kay Ugas at umaa­sang hindi na ito mauulit sa oras na muling magsimula ang pagsasanay ng Pambansang Kamao.

 

 

Lumasap si Pacquiao ng unanimous decision loss kay Ugas kung saan isa sa itinuturong dahilan ang tinamong cramps ng fighting Senator sa huling bahagi ng laban.

 

 

May alitan sina Fortune at Hall of Famer Freddie Roach ngunit handa si Pacquiao na pumagitna upang maayos ang gusot.

Other News
  • Mga Pinoy Olympians mas makikilalala na sa website

    MAKIKILALA na ang mga national athlete noon at ngayon na nagbigay ng karangalan sa bansa hanggang sa pinakamalaking paligsahan – Olympic Games – sa pamamagitan ng  makabagong teknolohiya sa kalulunsad lang na Philippine Olympians Association (POA), Philippine Olympic Committee (POC) at Nestle-Milo Philippines.     Mababasa ng publiko ang mga Olympian, ang kanilang mga natatanging […]

  • Mga pulis, natuklasan ang ‘kumplikadong mga daanan’, mga armas sa loob ng KOJC estate

      NATUKLASAN ng kapulisan ang mga masalimuot na daanan, mga pampasabog, at iba pang nakamamatay na armas sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy.     Ipinresenta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin […]

  • Magkasama sa advocacy series na ‘West Philippine Sea’: ALJUR at AJ, nagbahagi ng kanilang karanasan tungkol sa ‘bullying’

    PURSIGIDO talaga ang advocacy producer na si Dr. Michael Raymond Aragon, na chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI) sa pagsusulong ng kanyang action-advocacy series na “West Philippine Sea” na nakatakdang mapanood sa mga streaming platforms, tulad ng free TV, cable and satelite TV, simula ngayong November.     Kuwento […]