Ugnayan ng Pinas-Brunei, susi sa mapayapa, matatag na Indo-Pacific – PBBM
- Published on May 31, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang panatilihing malakas ang bilateral relations ng Pilipinas sa Brunei Darussalam ay makatutulong na mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.
Winika ng Pangulo na ang kanyang unang state visit sa Sultanate ay mahalaga sa gitna ng “many global challenges for which Brunei and the Philippines have very many common interests.”
“And so, it is important that we continue to work together on bilateral basis, also together with ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), with BIMP-EAGA (Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area) in all of these methods by which we can plan together for our own communities, for the peace and the stability of the region,” ang sinabi ng Pangulo sa idinaos na state banquet na hinost ng Kanyang Kamahalan Sultan Hassanal Bolkiah, Martes ng gabi.
“And not only for Asia but for the Indo-Pacific as well. It is important that those partnerships now be brought back into the modern world. And I look forward for this state visit to once more give an added impetus and warmth and inspiration to the relationship between our two countries,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, kapwa naman sinaksihan nina Pangulong Marcos at Sultan Bolkiah ang paglagda sa tatlong memoranda of understanding at isang letter of intent sa pagitan ng Pilipinas at Brunei, naglalayon na mas palakasin ang ‘bilateral ties’ ng dalawang bansa sa maritime cooperation at turismo, bukod sa iba pa.
Si Pangulong Marcos ay nasa Brunei para sa kanyang two-day state visit dahil na rin sa imbitasyon ng Sultan, nagkataon naman ito sa 40 taong anibersaryo ng bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Sultan Bolkiah, ang Royal Family, at ang mamamayan ng Brunei para sa pagpapaabot sa kanyang delegasyon ng kanilang hospitality habang ipinagdiriwang “birth of new time” para sa bilateral ties ng dalawang bansa. (Daris Jose)
-
MALAWAKANG PAGBABAKUNA PARA SA MGA MENOR DE EDAD, NAGPAPATULOY SA LUNGSOD NG MAYNILA
NAGPAPATULOY ang pagbabakuna sa general population ng mga menor de edad, mula 12 hanggang 17 anyos,ngayong araw, Disyembre 8. Mahigit 10-libong doses ng bakuna kontra Covid-19 naman ang nakahandang iturok ngayong araw sa mahigit 60 vaccination sites sa lungsod ng Maynila Ayon kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, […]
-
Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets 126-120.
BUMIDA sa panalo si Jayson Tatum na nagtala ng 54 points habang nagdagdag naman ng 21 points si Jaylen Brown at 14 points, nine assists si Marcus Smart. Tinambakan naman ng Utah Jazz ang Oklahoma City Thunder 116-103. Nagtala ng 11-three points si Bojan Bogdanovic sa kabuuang 35 points nito. […]
-
VP Leni Robredo, nanawagan sa mga supporters na igalang ang resulta ng halalan
HABANG patuloy na umaalagwa ang kalamangan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagpapatuloy na bilangan sa katatapos lamang na halalan, nanawagan naman si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga supporters na igalang ang kalalabasan o resulta ng halalan. “Alam kong mahal natin ang bansa pero hindi pwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak […]