Ukol sa executive privilege : PCO Usec. Castro, pinatikim ng lecture si Imee Marcos
- Published on March 27, 2025
- by @peoplesbalita
TILA nagbigay ng lecture si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si Senador Imee Marcos nang sabihin ng huli na mistulang nagtatago ng mahahalagang katotohanan ang mga opisyal ng gobyerno na palaging isinasangkalan ang executive privilege at sub judice rule sa mga tanong tungkol sa paghuli kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte at pagdala rito sa The Hague.
“Sana po malaman din po ni Senator Imee Marcos kung ano po bang ibig sabihin ng ‘executive privilege.’ Ito naman po ay—executive privilege po is a constitutional doctrine that allows the president and high-ranking officials, executive officials to withhold some sensitive information especially kung ito po ay magkakaroon na po ng encroachment ng isang branch over to another branch,” ang paliwanag ni Castro.
“Kasi ito pong executive privilege is rooted from the separation of powers so may mga pagkakataon po talaga including po iyong mga concerning issues, concerning national security, diplomatic relations, military affairs and internal deliberations within the Executive Branch, hindi po ito dapat na isinapupubliko. So, magkakaroon po ito ng …encroachment by one branch of the government over another. So, wala po tayong itanatago, may mga pagkakataon lamang po na iyong ibang mga napag-usapan ay hindi dapat isinapupubliko,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, kumbinsido naman si Castro na sasabihin talaga ng senadora na sa peliminary findings ng Senado ay matutuklasan na ang Pilipinas ay walang ‘legal obligations’ para arestuhin at i-turn over si Digong Duterte sa ICC at malinaw na may mga paglabag sa karapatan ng dating Pangulo nang gawin ito.
“Ganyan po ang kaniyang magiging opinyon kung ang kaniyang mga nakausap ay ang mga Duterte supporters. Pero kung titingnan po natin ang ibang mga experts katulad po nila Justice Carpio, Atty. Butuyan at iyong ibang mga nagsasabi patungkol sa batas natin na RA 9851, maiiba po ang kanyang tingin sa nasabing issue,” aniya pa rin.
Sana rin aniya ay tingnan ni Imee Marcos ang sinasabi ng gobyerno.
“Wala tayong legal obligation pero mayroon po tayong batas na sinasabi sa RA 9851 – ito, may sinasabing prerogative na makipagtulungan sa Interpol but still, mayroon tayong commitment sa Interpol. But again, ang sumusunod lang—ang gobyerno ay sumusunod lamang sa RA 9851,” anito.
Samantala, naniniwala naman si Castro na maganda talaga na kumalas na si Imee Marcos sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang kowalisyon na ini-endorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Sa ngayon po, siya naman po ang nagsabi na siya’y kumakalas na sa Alyansa dahil ang sabi niya ay hindi yata pareho ang kanilang mga adhikain, ang adbokasiya. Kung hindi po talaga nalilinya ang kaniyang mga paniniwala sa paniniwala ng Alyansa, mas maganda po siguro talaga na siya ay umalis dahil kung hindi niya po paniniwalaan ang mga programa ng Alyansa, hindi po talaga magkakaroon ng magandang relationship,” ang naging pahayag pa rin ni Castro.
At kahit man aniya ano ang sabihin ni Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Marcos nang simulan ng mambabatas ang Senate inquiry sa pag-aresto kay Digong Duterte ay sinabi ni Castro na wala namang sinasabi si Pangulong Marcos laban sa senadora.
“Wala po tayong nadidinig na anumang salita mula sa Pangulo. Siya lamang po ang nagsasalita ng mga bagay-bagay na katulad ng ganiyan. Siguro iyan po ‘yung kaniyang pananaw pero sa Pangulo po, wala po tayong madidinig,” ang winika ni Castro. (Daris Jose)
-
Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level
DISMISSED sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang pahayag ng dibisyon, Miyerkules, kaugnay ng kasong inihain nina Margarita Salonga Salandanan, atbp. laban sa kandidatura ni Bongbong. “As it now stands, Respondent possesses all the qualifications and […]
-
Ginebra nasa unang puwesto na matapos tambakan ang Dyip, 102-80
PASOK na sa unang puwesto ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang Terrafirma 102- 80 sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center. Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo na nagtala ng 21 points habang mayroong 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson. Dahil sa […]
-
SC ibinasura ang DQ vs Marcos sa botong 13-0
IBINASURA ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hudyat ng malayang oath-taking niya bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Sa botong 13-0, ibinasura ng SC en banc ang petisyon kontra sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon sa Certificate of Candidacy […]