Ukrainian refugees na umalis na sa bansa, papalo na sa 3-M
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
PAPALO na sa tatlong milyon ang bilang ng mga Ukrainian refugee na umalis sa kanilang bansa, sa loob ng tatlong linggong pakikipagdigma ng Ukrain dahil sa pagsalakay ng Russia.
Sa datos ng UN Refugee Agency (UNHCR), nasa 2.97 milyon na mga tao na ang nakakalikas mula sa Ukraine at sinasabing posible pang tumaas ang bilang na ito.
Mahigit kalahati o nasa 1.8 million sa mga ito ay kasalukuyang nasa Poland habang ang iba naman ay nasa mga bansang nasa hangganan din ng Ukraine tulad ng Slovakia, Hungary, Romania, at Moldova.
Dagdag ng UNHCR, nagsisimula nang lumipat patungong kanluran ang malakin bahagi ng mga refugee na may kabuuang 300,000 na bilang ng mga indibidwal na napunta naman sa Western Europe.
-
International community nagbigay pugay, nakiramay din sa pagpanaw ni ex-Pres. Aquino
Bumandera rin sa international media ang pagpanaw ng dating lider ng Pilipinas na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Bumubuhos din ang pagbibigay pugay, pakikiramay at tribute mula sa international community. Kabilang sa unang nagpaabot nang pakikiramay sa pamilya Aquino ay ang European Union (EU). Sa panahon umano […]
-
Mga consumers, hinimok ng pamahalaan na mamili sa mga malalaking mga supermarkets at groceries
PARA makatipid at matiyak na tugma ang SRP sa item na bibilhin ng mga consumers, pinayuhan ni Trade and Industry undersecretary Ruth Castelo na sa mga malalaking pamilihan o sa wholesalers pumunta at bumili ng kailangan upang kahit paano’y makamenos sa mga panahong ito. Ani Castelo, hindi lang compliant kundi mas mababa pa […]
-
PBBM, lalagdaan ang EO para pagaanin ang trabaho
NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho sa Pilipinas kabilang na ang pag-proseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.” Sa isang pagpupulong sa State Dining Room, ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual […]