Ultimatum sa 7 OVP officials: Dumalo o aresto
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
DUMALO o aresto! Ito ang ipinalabas na ultimatum ng House Committee on Good Government and Public Accountability laban sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na inisyuhan ng subpoena para dumalo sa nakatakdang pagdinig ng komite ngayong Lunes, Nobyembre 11.
Ang House Blue Ribbon ay nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
“The committee has summoned these officials multiple times, yet they continue to disregard our lawful requests to appear,” giit ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng panel.
Noong Nobyembre 4, sa bisperas ng pagdinig ng komite, ay umalis sa bansa ang chief of staff ng OVP na si Undersecretary Zuleika Lopez. Naglabas ang komite ng subpoena laban kay Lopez, at anim pang opisyal ng OVP na mayroong alam kung papaano ginastos ni VP Duterte ang confidential funds pero hindi dumadalo sa pagdinig ng Kamara.
Una na ring hiniling ng komite sa Department of Justice na ilagay si Lopez at ang iba pang opisyal ng OVP sa immigration lookout bulletin dahil sa posibleng pag-iwas nila na humarap sa imbestigasyon.
Bukod kay Lopez, kabilang din sa inisyuhan ng subpoena sina Lemuel Ortonio, Rosalynne Sanchez, Gina Acosta, Julieta Villadelrey, at ang mag-asawang Sunshine Charry Fajarda at Edward Fajarda, kapwa dating kawani ng DepEd na lumipat na sa OVP matapos magbitiw si Duterte sa nasabing departamento. Sa mga ito tanging sina Sanchez at Villadelrey pa lamang ang nagkumpirma na dadalo.
Nais ng komite na maipaliwanag ng mga opisyal ng OVP ang paggamit ng P500-M confidential funds ng OVP at P125-M ng DepEd. (Daris Jose)
Other News
-
Malakanyang, pinangalanan ang mga bagong Marcos appointees sa DTI, NAP, DND
INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang bagong appointees ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mga bagong opisyal na itinalaga sa National Archives of the Philippines (NAP), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of National Defense (DND) ay sina: Victorino M. Manalo, Executive Director ng NAP. Manalo, humahawak ng […]
-
Ads June 4, 2021
-
Ex-NBA star Cedric Ceballos hiling ang dasal habang nasa ICU dahil sa COVID-19
Nanawagan na rin ang NBA sa kanilang hanay para isama sa kanilang panalangin para sa recovery ang isang dating veteran NBA player na nag-aagaw buhay dahil sa COVID-19. Una rito marami ang nagulat sa inilabas na larawan ni Cedric Ceballos kung saan nasa ICU siya at naka-intubate o oxygen mask habang nasa ika-10 […]