Umaming napagsabihan ni Direk Chito dahil nakukulangan: LORNA, strong support kay JUDY ANN sa ‘Espantaho’ at ‘di maglalaban sa best actress
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
AMINADO si Ms. Lorna Tolentino na strong support siya kay Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’ na filmfest entry n Quantum Films sa 50th MMFF na magsisimula na sa December 25th.
Kahit na ang billing nila sa poster ng movie ay magkasinglaki, si Judy Ann pa rin ang pinaka-bida at hindi sila maglalaban sa pagka-Best Actress.
“Ay hindi, kung ako ang juror, I’m a strong support to Judy Ann,” sagot ni LT.
“Pareho kami ni Chanda (Romero), kasi mas malaki yun character niya.
“As a strong support, I really don’t care basta nandun ako sa pelikula.”
Hindi rin siya nagdalawang isip na tanggapin ang role bilang ina ni Juday, na originally nga para kay Star for All Seasons Vilma Santos.
“Ay bakit naman, ‘yun edad ni Judy Ann halos kaedad lang ng mga anak ko, konti lang ang tanda niya, kaya okay lang talaga.
“Saka pasok talaga sa role, at maiintindihan n’yo kung bakit, pag napanood na ninyo ang pelikula.”
Second time na nilang nagkasama sa movie, una nilang ginawa ang ‘Mano Po 2: My Home’ noong 2003.
Pero hindi ganun karami ‘yung mga eksena nila, kumpara ngayon na halos bawat eksena ay magkasama sila ay gumaganap silang mag-ina sa ‘Espantaho’ na hinuhulaan isa sa magta-topgrosser sa MMFF.
Thankful naman si Lorna kay Juday dahil pagiging mapagbigay nito bilang aktres.
“Nagpapasalamat nga ako kay Juday, kasi ang character ko, hindi masyadong masalita. Kumbaga, sa kanya ako humuhugot kung ano man ang kailangang maramdaman ng character ko.
“Nagpapasalamat talaga ako, kasi she’s sa giving actress, hindi siya madamot. Nagbibigay talaga siya, para makuha mo, masalo mo, maramdaman mo,” pahayag pa ng premyadong aktres.
Dagdag pa niya tungkol sa mga co-stars, “yun makasama ka lang sa mga veteran stars, challenge na ‘yun. Pero para maging effective ka, dapat you go with the flow. Para mag-swak lahat ang damdamin n’yo.
“Magiging effective lang naman ang isang eksena kung lahat kayo ay umaangat.”
Inamin ni LT na kahit isa siya sa kinikilalang mahusay na aktres, napagsasabihan pa rin siya ng direktor, tulad ni Chito S. Roño na direktor nila sa ‘Espantaho’.
Happy naman si Lorna na pag nako-call out ang pag-arte niya dahil para sa kanya, “I’m so happy na ganun, hindi naman ako nao-offend, minsan kasi akala mo okay na at naibigay mo na. Pero meron pa eh, meron pang mas malalim dun.
“Tulad dito sa ‘Espantaho’, sinabihan ako ni Direk Chito ng ’sandali, okay ka lang, alam mo ba yun eksena, ito ‘yun gusto ko.’
“Magso-sorry naman ako sa kanya, kasi nga alam niya kung ano ‘yun dapat maramdaman ng tao. Dahil siya yun nakakakita sa screen, kailangang maramdaman niya dahil kung hindi, wala kang binabato.”
***
Inilunsad ng ‘PlayTime’ ang partnership sa ‘Bumper to Bumper Car Shows’
ANG PlayTime, ang fastest-growing online gaming platform sa bansa, ay nagsimulang itatag ang presensya nito sa mundo ng automotive sa pakikipagtulungan nito sa Bumper to Bumper Car Shows, ang longest-running outdoor car show and lifestyle event sa Asya.
At sa taong ito, 2024 ay minarkahan ang ika-20 milestone year ng Bumper to Bumper.
Sa isang seremonya ng pagpirma, pinagtibay ng PlayTime ang pangako nito bilang kasosyo sa lahat ng mga aktibidad sa destinasyon ng Bumper to Bumper’s Road Tour simula Nobyembre ng 2024.
Bilang karagdagan, ang series ng “Mega Meet” ay muling ipakikilala sa 2025, at magiging bahagi din ang PlayTime ng eksklusibong line-up ng mga kasosyo na nagpapalaki ng experience sa event.
“Through this collaboration, PlayTime and Bumper to Bumper are set to bring a unique fusion of automotive culture and entertainment,” pahayag ni PlayTime Senior PR Manager Jay Sabale.
Inaasahan ng PlayTime na maimbitahan nila ang mga mahilig sumabak sa thrill of cars and gaming under one roof, na magtutulak sa mga hangganan ng entertainment, na naglalapit sa mga tagahanga sa kanilang passion sa ‘di malilimutang dynamic setting.
(ROHN ROMULO)
-
Mga seniors at may comorbidities, ‘di nirerekomendang magpa-booster shot sa mga botika
SA KABILA ng pilot rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan, hindi inirerekomenda ng pamahalaan ang pagpapabakuna ng mga mayroong comorbidities at senior citizens sa mga drugstores. Ayon kay Vaccine Czar, Carlito Galvez Jr., mas maigi umanong sa mga vaccination sites magpabakuna ang mga seniors at may mga comorbidities para mas mabigyan […]
-
Rollback sa produktong petrolyo malabo, ayon sa DOE
HINDI PA inaasahan ang pagbaba sa presyo ng produkto ng langis sa gitna ng oil shortage, pababang inventory at patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa Department of Energy (DOE), Martes. ‘Yan ang sabi ni DOE Oil Industry Management Bureau director Rino Abad sa TeleRadyo ngayong ika-10 sunod na […]
-
Marami pang ni-reveal sa ‘Korina Interviews’: TESSA, inamin kay KORINA na naka-move on and in full swing na
“ITO na yata ang wackiest interview ko to date,” sabi ng multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas tungkol sa kanyang latest guest sa kanyang NET 25 show na Korina Interviews. Pinag-usapan ni Korina kasama ang celebrated socialite, host, at philanthropist na si Tessa Prieto ang untimely death ng kanyang kapatid na lalake […]