• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UN chief sa mga world leaders: Mamili sa climate ‘solidarity’ o ‘collective suicide

SINABI ni UN chief Antonio Guterres  na ang sangkatauhan ay nakikipaglaban sa kanilang buhay habang pinaiigting ng climate change ang tag-tuyot,  pagbaha at heatwaves.

 

 

Inihayag ni Guterres sa isinagawang Egypt on curbing global warming na ang international community ay nahaharap sa tinatawag na  “stark choice” sa gitna ng international crises na bumubugbog sa ekonomiya at pag-uga sa international relations— mula  COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine hanggang weather extremes.

 

 

“Cooperate or perish,” ang sinabi ni Gutteres sa mga lider na dumalo sa  UN COP27 summit  sa Red Sea resort ng  Sharm el-Sheik sabay sabing  “It is either a Climate Solidarity Pact, or a Collective Suicide Pact.”

 

 

Nanawagan naman si Guterres  ng tinatawag na “historic” deal sa pagitan ng mga mayayamang bansa at umuusbong na ekonomiya  na naglalayong bawasan ang emisyon at panatilihin na mataas ang temperatura  sa ” more ambitious Paris Agreement target of 1.5 degrees Celsius above the pre-industrial era.”

 

 

Aniya, ang target ay dapat na renewable at affordable energy para sa lahat, panawagan sa mga  top emitters, partikular na ang Estados Unidos at  China, na paigtingin pa ang kanilang mga pagsisikap.

 

 

Sa kasalukuyang trajectory, sinabi ni Guterres na “we are on a highway to climate hell with our foot still on the accelerator.”

 

 

“At around 1.2°C of warming so far, impacts are already accelerating on all fronts,” aniya pa rin.

 

 

“Major droughts in the Horn of Africa have pushed millions to the edge of starvation, deadly floods in Pakistan swamped farmland and destroyed infrastructure, causing more than $30 billion in damage and losses according to the World Bank,” ayon sa ulat. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

    TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022.     Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprini­sinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at […]

  • 2 tulak timbog sa P340-K shabu

    DALAWANG tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bagets ang arestado matapos makuhanan ng nasa P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Kinilala ni Caloocan City Po- lice Chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Alcar Dugay, 20 ng Gonzales St. Brgy. 69 at […]

  • Deployment ng OFWs sa Saudi, tuloy na

    SIMULA  sa Nobyembre 7, 2022 ay itutuloy na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa nasabing bansa.     Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, isasama sa bagong kontrata ang pagbibigay ng […]