Unahin ang kumakalam na sikmura ng mamamayan sa halip na pagtambak ng dolomite sa Manila Bay
- Published on April 16, 2021
- by @peoplesbalita
Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya. “Kung talagang ang problema ngayon ay COVID-19 ay talagang dapat ang atensyon natin at ang ating mga finances ay nakalagay dyan; tugunan muna natin ang pangangailangang pangkalusugan at ekonomiya ng mga tao,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.
Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa muling pagtatambak ng mga dolomite sa Manila Bay bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Dismayado si Bishop Pabillo sa mga hakbang ng pamahalaan na inuuna ang hindi napapanahon at pinag-aralang proyekto na una nang binatikos makaraang anurin sa dagat ang mga dolomite nang manalasa ang bagyo noong nakalipas na taon.
Igniit ng obispo dapat na unahin ang kapakanan ng mamamayan sa halip na ipagpatuloy ang naturang proyekto.
“Parang walang priority ang gobyerno, it shows a kind of insensitivity sa pangangailangan ng mga tao,” giit ni Bishop Pabillo.
Lalong ikinadismaya ng obispo ang pagpapatuloy ng dolomite project dahil marami ang nawalan ng trabaho at walang sapat na pambili ng pagkain ang mamamayan noong muling ipinatupad ang enhanced community quarantine ng dalawang linggo sa National Capital Region at karatig lalawigan.
Ang naturang proyekto na nagkakahalagang 389-milyong piso ay pinaniniwalaang hindi dumaan sa wastong pag-aaral kung saan unang nanindigan ang Greenpeace Philippines na hindi ito makalulutas sa suliranin sa Manila Bay.
Umaasa si Bishop Pabillo na mas higit na tutugunan ng pamahalaan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng pamamahagi ng ayuda at pagpapalakas sa vaccination rollout na makatutulong mabawasan ang epekto ng coronavirus sa mamamayan. “Sa halip na gagastos sa dolomite, ‘yung budget pwede namang ma-realign; magbigay ng ayuda sa mga mahihirap, sa mga nawalan ng trabaho at ganun din ang pagbabakuna na mas kailangan natin ngayon,” saad pa ni Bishop Pabillo (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bumubuo ng ‘Prima Donnas’, binigyan ng commendation ng GMA Network dahil sa successful and record-breaking run
MATULOY na kaya sa middle of March ang lock-in shoot ng first team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films at GMA Network? Matagal nang pinag-usapan ang shoot ng A Moment To Remember na based sa Japanese movie at Korean drama, ready na rin pareho sina Bea at […]
-
Mas mababang crime rate sa MM, naitala ng PNP ilang araw bago ang holiday season
NAKAPAGTALA ng mas mababang bilang ng mga krimen sa National Capital Region ang Philippine National Police ngayong papalapit na ang holiday season. Sinabi ni National Capital Region Police Office Spokesperson PLTCol. Dexter Versola na mas bumaba pa ang rate ng peace and order indicator o yung tinatawag na 8 focus crimes na binabantayan […]
-
3 tulak arestado sa P.7 milyon halaga ng shabu
TIMBOG ang tatlong umano’y notoryus drug pushers matapos makuhanan ng nasa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Paul John Mendoza, 23, Ian Vher Oquendo, 28, kapwa ng Block […]