• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Unahin vaccination rollout sa NCR’– experts

Inirekomenda ngayon ng OCTA Research group sa national government na bigyang prayoridad ang vaccination rollout ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ang NCR kasi ang ikinokonsidera ngayong sentro ng pandemic na nakakaapekto sa sitwasyon sa buong bansa.

 

 

Aniya, hindi raw lalaganap ang covid sa Metro Manila kapag mababakunahan ang nasa pito hanggang sa walong milyong mga residente.

 

 

Mas maigi rin umanong mabakunahan din ang mga residenteng nasa paligid ng NCR gaya ng Calabarzon at Central Luzon na marami ring kaso ng nakamamatay na virus.

 

 

Dagdag ni David, matatagalan daw ang Pilipinas na maabot ang herd immunity sa target nilang 70 percent ang mga mababakunahan sa kabuuang populasyon ng bansa o nasa 70 million na katao

 

 

Una rito, sinabi ng OCTA na posibleng aabot sa 11,000 covid case ang maitatala sa Metro Manila pagsabit ng katapusan ng buwan ng Marso. (Daris Jose)

Other News
  • JULIE ANNE, iwas na iwas na pag-usapan ang break-up nina RAYVER at JANINE

    THANKFUL si Julie Anne San Jose sa GMA Network sa pinakahihintay na ng mga fans niya, ang second leg ng Limitless, A Musical Journey on Saturday, November 20.     “Heal” ang second leg ng concert na feature ang Visayas region at ipakikita ang mga magagandang lugar doon. Special guests ni Julie ang Cebuanang The […]

  • 54 Valenzuelano solo parents nakatanggap ng educational assistance

    NASA 54 na kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).     Ang mga benepisyaryo ng educational assistance ay mga rehistradong solo parents sa lungsod ng Valenzuela na may mga anak na nag-aaral sa tertiary level ng edukasyon. […]

  • PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle na si FVR

    KASALUKUYAN ngayong nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya  Ramos.     “I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who […]