• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque

NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa.

 

Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH.

 

“At least doon sa PGH kung nasaan ako dahil nga may naunang alinlangan, mayroon silang survey na ginawa ang sabi nila hangang 60 lang pero nagpabakuna po mahigit pa sa 120 noh na mas doble pa sa mahigit pa sa dobleng in-expect nila. at ngayon po, buong araw silang nagpapabakuna sa PGH at inaasahan natin na baka magkulang pa iyong initial allocation na ibinigay sa PGH na 1,000 plus.. sang-ayon na rin po dun sa survey na kinuha ng ospital noh? kung ilan ang gustong magpabakuna. Huwag po kayong mag-alala kung kinakailangan pa po ng mas marami ay padadalhan po kayo kaya nga po mayroon tayong buffer stock na mga around.. 30,000 vaccines. So, napakatagumpay po niyan,” ang paliwanag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na kung siya lamang ang tatanungin ay gustong-gusto na niyang magpabakuna.

 

Iyon nga lamang aniya ay binasura ang panukala nilang mga taga-IATF na mag-reserba ng 50 bakuna para sa tinatawag na mga influencers o mga tagapag-paigting ng vaccine cofidence.

 

“Ako ay sumusunod naman. Bagama’t kahapon nagmabuting-loob ang PGH na .. kung gusto mo ibibigay na lamang namin sa yo noh? At naghanda na po ako kaya lang.. to avoid controversy ay hindi na po ako nagtuloy at ang totoo naman po ay naubusan sila kahapon kasi akala nga nila 60 lang eh 128 ang nagpabakuna.anyway mabuti na rin po iyon dahil otherwise po ngayon ay aawayin ako ng mga advisory group. anyway, susunod na lang po ako para wala ng away. Kung pupuwede na eh susunod na ako dyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, dalawa lamang aniya ang nabakunahan na opisyal ng pamahalaan at ito aniya ay sina chief implementer of the Philippines’ Declared National Policy Against Covid 19 carlito galvez at si deputy chief implementer Vince Dizon.

 

“Sinabi po ni Presidente na bakunahan sila. Ayaw pa po sana pero anyway i might as well say the truth noh? mismong si Presidente po ang nagsabi na itong dalawang ito.. kinakailangan mabakunahan dahil .. of course.. we need to walk the talk,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nagpulong ukol sa economic situation sa Pinas

    TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Martes, sa kanyang gabinete  ang  kasalukuyang economic situation sa bansa.     Ito’y matapos na pangunahan  ni Pangulong Marcos ang unang Cabinet meeting sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.     Ang miting na dapat ay nagsimula ng alas-9 ng umaga ay nagsimula ng “15 minutes […]

  • Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra

    COVID-19 LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,728 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.     […]

  • TRICYCLE DRIVER BINARIL SA MUKHA

    PINASOK sa loob ng kanilang bahay at malapitang pinagbabaril sa mukha sa harap mismo ng kanyang live-in partner ang isang tricycle driver hindi kilalang suspek subalit himala itong nakaligtas sa lamatayan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   “Parang may sa pusa, siyam yata ang buhay,” pahayag ni Malabon police homicide investigator P/MSgt. Julius Mabasa sa panayam […]