Unang batch ng bakunang made in Russia, maaaring dumating sa Abril 12
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa Covid -19 sa bansa ngayong buwan.
Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa darating na Lunes ay dumating na ang kauna- unahang batch ng bakuna na galing ng Russia.
Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang pagdating pa ng mga bakuna ngayong 2nd quarter.
Aniya, ang bakuna ng Gamaleya ang inaasahan nilang paparating ngayong Abril 12 kasunod ng iba pang mga bakuna na paparating ngayong linggo ding ito gaya ng Sinovac.
“Sa tanong po na ano po ang mga darating na vaccines this coming April, darating po ang Sinovac na 1.5 million at saka mayroon po tayong Gamaleya na 500 or more or less two million doses.
So ngayong first … sa next week po baka dumating na po ang 500,000 ng Sinovac. So titingnan din po natin iyong Gamaleya, baka dumating na rin po this coming April 12,” ayon kay Galvez.
Sa buwan naman ng Mayo ani Galvez ay paparating na rin ang Moderna na galing ng Estados Unidos.
“So sa May deliveries po, magkakaroon po tayo ng two million sa Sinovac, sa Gamaleya and then darating na po and Moderna. So more or less, mga 4,194,000 po na doses ang matatanggap po natin,” aniya pa rin.
“Sa June po, magkakaroon po tayo ng more or less mga 10,500,000 doses kasama po ang Sinovac, Gamaleya and also Novavax at saka iyong delivery natin sa AstraZeneca. And July, baka po tumaas po tayo, na magkaroon po tayo ng more or less mga 13.5 million. And August delivery, 20,000 at hanggang maging ano po sa November,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Kaya nga aniya tinatayang nasa 4 million,194,000 ang paparating na bakuna ngayong buwan hanggang sa susunod na buwan na bubuuin ng mga brand na Sinovac, Sputnik V at Moderna. (Daris Jose)
-
21-yr-old Harnaaz Sandhu ng India, bagong Miss Universe
Tinanghal bilang bagong Miss Universe ang pambato ng India sa katatapos na 70th coronation sa Eilat, Israel. Si Harnaaz Sandhu ay 21-years-old pa lamang na kasalukuyang nag-aaral ng master’s degree in public administration. Sumalang sa dalawang question and answer portion si Sandhu- una ay para sa Final 5 at pangalawa ay […]
-
Kahit parehong buong husay na naitatawid: DINGDONG, inaming magkaiba ang challenge sa hosting at sa pag-arte
KILALANG aktor at host si Dingdong Dantes. Isa siya sa iilang personalidad sa showbiz na buong husay na nakatatawid sa pag-arte sa harap ng kamera bilang artista at nakapagdadala rin ng programa bilang host. Bilang artista, bidang karakter si Dingdong bilang si Napoy sa ‘Royal Blood’ ng GMA. May pelikula rin sila […]
-
Susunod na lang ang ina at mga kaibigan: MICHELLE, mag-isang pupunta sa El Salvador para sa ‘2023 Miss Universe’
ILANG araw na lang at lilipad na si Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee for El Salvador para sa 2023 Miss Universe pageant. Bibit ni Michelle ang mga dasal na maiuwi niya ang Miss Universe crown para sa bansa. Ilan sa mga Sparkle artists na nagpadala ng “good […]