Unang international sports event na FIBA Asia qualifiers, hudyat nang pagbubukas ng PH – IATF
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinagmalaki ngayon ng IATF ang magaganap na kauna-unahang international sports event sa Pilipinas lalo na ang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa kabila na malaking problema pa rin ang pagharap sa COVID-19 crisis.
Ayon kay testing czar Vince Dizon, ang FIBA Asia Cup Qualifiers na mangyayari sa Clark, Pampanga ay nagpapakita lamang na magandang balita sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Iniulat din ni Dizon, na liban sa national team Gilas Pilipinas, dumating na rin ang mahigpit na karibal ng Pilipinas na South Korean team.
Samantala, kaabang abang naman ang paglalaro na rin o debut sa seniors team na Gilas Pilipinas ng higanteng si Kai Sotto at ang bagong naturalized big man na Ivorian na si Angelo Kouame.
Sa Miyerkules buwena manong makakalaban ng Pilipinas ang powerhouse team na Korea, gayundin pagsapit ng Linggo.
Sa Biyernes naman ay makikipagtuos din ang Gilas sa Indonesian team.
Isang panalo lamang ang kailangan ng Pilipinas upang umusad sa prestihiyong torneyo.
-
Paglipat ng pondo ng Philhealth sa National Treasury, pinigil ng Korte Suprema
PINIGILAN ng Korte Suprema ang paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO). Naglabas ng temporary restraining order kahapon (TRO)ng Korte Suprema laban sa karagdagan pang paglilipat ng P89.90 bilyon pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury. […]
-
Sa gitna ng pagso-shoot ng movie: DENNIS at JENNYLYN, nagawa pa ring maplano ang birthday party ni DYLAN
SA gitna nang pag-shoot ng pelikula nila Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, nagawa pa rin nilang maplano ang 2nd birthday party para sa kanilang unica hija na si Dylan. Sesame Street ang theme ang birthday party ni Dylan at nag-pose pa sina Jen at Dennis suot ang costume ng Moonbugs na sina […]
-
MAKABAYANG PANGULO at DAYUHANG KAPITALISTA sa ILALIM ng SB 2094
Sa ngayon ay maaring masakop ng malakas na bansa ang mas mahina hindi lang sa paggamit ng “military power” kundi ng “economic power”. Maaring malubog na sa utang ang mas mahinang bansa na hindi maayos sa paghawak ng ekonomiya kaya walang magagawa kundi isuko na lang ang sarili sa pamamagitan ng malalaking negosyo at kontrata sa […]