Unang kaso ng Kappa variant natukoy sa Pinas
- Published on November 10, 2021
- by @peoplesbalita
Nakarating na sa Pilipinas ang unang kaso ng COVID-19 Kappa variant o B.1.617.1 na isang lalaking pasyente mula sa Pampanga, ayon sa Department of Health (DOH).
Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang unang kaso ng B.1.617.1 variant sa bansa na isang local case, isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga.
Magaling naman na umano ang pasyente at nagkaroon lamang ng mild na sintomas ng sakit.
Nakolekta ang sample nito noong Hunyo 2, 2021 pa, kung kailan ang B.1.617.1 variant ay itinuturing pa lamang na variant of interest. Pero simula noong Setyembre 20, ang naturang variant ay itinuturing na bilang ‘variant under monitoring’ ng World Health Organization (WHO).
Tiniyak naman ni Vergeire na masusi nilang iimbestigahan ang naturang kaso upang makakuha pa ng dagdag na impormasyon kung paano nakarating ito sa Pilipinas.
Ang Kappa variant ay nagmula sa lineage na kahalintulad ng sa Delta variant at unang natukoy sa India noong Oktubre 2020. (Daris Jose)
-
Saso may ₱178K grasya sa pagpuwestong ika-50
MALAMYA ang pangatlo at pinaleng round ni Yuka Saso nang tumira lang two-over par 74 para sa 218 aggregate para humanay sa triple-tie sa ika-50 posisyon na may ¥400K (₱178K) bwat sa pagrolyo ng 12th T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, Japan nitong Linggo, Marso 21. […]
-
Vietnam sa Oktubre pa magdedesisyon kung tuloy ang paghawak nila ng SEA Games
Mayroong hanggang sa susunod na buwan ang Vietnam para pagdesisyunan kung matutuloy ang pagsasagawa ng 31st Southeast Asian Games. Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Pres. Abraham “Bambol” Tolentino na binigyan ng SEA Games Federation ang Vietnam para pagdesisyunan kung kanila bang itutuloy o kakanselahin ang nasabing torneo. Ito rin […]
-
5 nalambat sa buy-bust sa Caloocan at Malabon
LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ni […]