• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Championships EJ umukit ng kasaysayan!

HINDI man gold medal ang kanyang nakamit ay nakagawa pa rin ng kasaysayan si national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para ang­kinin ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships kahapon sa Eugene, Oregon.

 

 

Ang nasabing performance ng World No. 6 pole vaulter ay isa ring bagong Asian record at kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa world championships.

 

 

“2022 World Athletics Championships. Philippines is the best in Asia for pole vault. And 3rd best in the world,” sigaw ng 6-foot-2 na si Obiena sa kanyang Facebook post. “Hungry for more cookie. The best is yet to come.”

 

Sinira ng two-time Southeast Asian Games gold medalist ang dati niyang personal best na 5.93m na itinala niya sa International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

 

 

Nauna nang nabigo ang 26-anyos na si O­biena noong 2019 edition ng world championships nang hindi makausad sa final 12.

 

 

Madali niyang natalon ang 5.55m sa kanyang first attempt, ang 5.70m sa second attempt at 5.80m at 5.87m sa first attempt.

 

 

Inangkin ni world record-holder at Olympic Games winner Armand Duplantis ng Sweden ang gold medal sa pagpoposte ng bagong world record na 6.21m  habang si American Chris Nilsen ang kumuha sa silver sa nilundag na 5.94m.

 

 

Naagaw ni Nilsen ang silver medal kay Obiena via countback nang makuha ng American ang 5.94m sa kanyang first attempt  habang nailista ito ng Pinoy bet sa second attempt.

 

 

Inaasahang makakatanggap si Obiena ng cash incentive mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at sa Philippine Olympic Committee (POC).

Other News
  • PBBM sa DTI, DA: Tiyakin na sapat na supply ng goods o kalakal sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na tiyakin ang sapat na suplay ng goods o kalakal sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.     Sa katunayan ayon sa Pangulo, nakatuon ang pansin ng DTI sa magiging pagtalima […]

  • Panawagan ni PBBM sa sambayanang Filipino: ‘Solemn, peaceful’ na paggunita sa Undas

    NANAWAGAN  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang filipino para sa “mataimtim at mapayapa” na paggunita ngayong  All Saints’ Day, Nobyembre 1 at All Souls’ Day, Nobyembre 2.  “Isang mataimtim at mapayapang Undas sa ating lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang  vlog  na naka-upload sa kanyang official Facebook page. Ang paalala pa rin ng […]

  • Pamahalaang Panlalawigan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan

    LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN- Upang talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa lalawigan, nakipagpulong si Gobernador Daniel R. Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang noong Lunes.     Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport […]