• April 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Underemployment at job quality, tututukan ng DOLE

NABABAHALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa mga ulat tungkol sa underemployment at mababang kalidad ng mga trabaho sa Philippine Statistics Authority (PSA) September 2022 Labor Force Survey (LFS).

 

 

Inihayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, nagdulot sa kanila ng pag-alala ang dalawang bagay na kinabibilangan ng underemployment at ang kalidad ng trabaho.

 

 

Aniya, nakikita nila na karamihan sa mga oportunidad sa trabaho o employment na ina-avail ng mga manggagawa ay nabibilang sa mas mababang mga kasanayan at kategoryang mababa ang suweldo.

 

 

Tiniyak naman ni Laguesma na ang ahensiya ay naghahanap ng full time, secured, at remunerative na trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

 

 

Sinabi ni Laguesma na iniutos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang isang whole-of-government approach sa paghawak ng mga isyu sa paggawa, isinasaalang-alang ang iba pang mga kadahilanan na nakakaapekto sa mga manggagawa, kabilang ang inflation.

 

 

Idinagdag niya na gagawa ang kagawaran sa pagpapasimple ng mga employment rules, accessible labor market, at school-to-work transition.

 

 

Batay sa talakayan ng DOLE sa information technology at business process industries, sinabi ni Laguesma na may mga bakanteng trabaho dahil sa hard-to-fill, in-demand, at mga umuusbong na trabaho.

 

 

Aniya, tinututukan ng DOLE at ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) ang pagtugon sa mga gaps na ito. (Daris Jose)

Other News
  • Big-time oil price hike sisirit uli

    ASAHAN  na ang pagpapatupad ng napakataas na dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.     Nitong Sabado (Marso 5) sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na maaring pumalo sa P5.40 to P5.50 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel habang sa gasolina ay P3.40 hanggang P3.50 sa kada litro mula […]

  • PBBM, muling inimbitahan na bumisita sa France

    MULING inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsimula ng kanyang state visit sa France.     Ang imbitasyon ni Marcos ay ipinaabot ni newly-designated French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nang mag-prisenta  ang huli ng kanyang credentials kay Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall ng […]

  • Tinalo na ang record ni Elton John: ‘Eras Tour’ ni TAYLOR SWIFT, highest-grossing tour

    ANG ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift ang puwedeng tawagin na “the highest-grossing tour ever” dahil malapit na itong mag-gross ng $2.2 billion sa North America.       Kaya na raw nito matalo ang record ng ‘Farewell Yellow Brick Road Tour’ ni Elton John na nag-gross ng $887 million from 2018 to 2023.     […]