Unemployment bumaba noong Marso – PSA
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, katumbas ito ng 2.42 milyong Pinoy na walang trabaho noong Marso.
Kasunod nito, umakyat naman sa 95.3% ang employment rate o katumbas ng 48.58 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.
Habang ang underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala sa 11.2% na mas mababa sa 12.9% kung ikukumpara noong Pebrero 2023.
Kabilang sa mga sektor na may malaking pag-angat sa employment noong Marso ang construction, transportation and storage, mining and quarrying, manufacturing at admin and support service.
Habang ilan naman sa sektor na nabawasan ng manggagawa ang sektor ng wholesale at retail, agriculture at forestry, at pati na ang accommodation and food service activities. (Daris Jose)
-
New Zealand pinakain ng alikabok ang India
MADALING iniligpit ng New Zealand ang India, 95-60, para walisin ang labanan sa Group A sa first window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Ipinoste ng mga Kiwis ang 3-0 record matapos talunin ang Gilas Pilipinas, 88-63, noong Linggo habang una nilang pinadapa ang India, 101-46, noong […]
-
Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP
Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes. “Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil […]
-
Ads September 4, 2023