• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unified 911 System ilalarga sa Hunyo

INIHAYAG ni Interior and Local ­Government Secretary Jonvic Remulla na target nilang ilunsad sa Hulyo ang Unified 911 System sa buong bansa.
Ayon kay Remulla, magiging isa na lang ang emergency number na dapat tawagan ng sinuman sa alinmang panig ng bansa.
Paliwanag ni Remulla, hindi lamang  pulis ang maaaring magresponde kundi maging ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.
Lalatagan din aniya ang 911 system ng mga pinakabagong innovation kabilang ang geolocation, live streaming, at integrasyon ng pulisya, bumbero, at paramedic, at ang mga emergency responder ay magkakaroon ng body-worn camera, radyo, at medical support.
“In less than one month, i-bid out natin ang unified 911 system para sa buong Pilipinas. Unified na. Ngayon kasi 35 ang emergency call numbers. Gagawin nating centralized na siya,” saad pa ni Remulla.
Oras na maging operational, inisyal na pagaganahin ito sa Region 1, ­Greater Metro Manila, Region 7 at BARMM.
Sinabi ni Remulla, na dapat na maging maagap at at mabilis ang pagresponde sa mga emergency cases upang maramdaman ng  publiko ang presensiya ng pamahalaan.