“Unilaterally terminate” ang kasunduan sa UP, suportado ni PDu30
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na “unilaterally terminate” ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na may kinalaman sa pagpasok ng state forces sa nasabing campus.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinatigan ni Pangulong Duterte ang nasabing desisyon dahil “alter ego” ng Pangulo si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Si Sec. Roque bilang isang UP alumnus at dating law professor ay nagpahayag na batay sa kanyang naobserbahan sa mga campus sa Estados Unidos at Europa ay makikita ang presensiya ng kapulisan na hindi naman nalalabag ang academic freedom.
“Personally po, ako po ay 15 taon nagturo, 10 taon nag-aral sa UP eh yung 25 years ko sa UP hindi ko naranasan na nandoon ang pulis,” ayon kay Sec. Roque.
Ang nasabing kasunduan ay nabuo sa ilalim ng Cory Aquino administration noong Hunyo 1989, kung saan ang sundalo at pulis ay bawal na pumasok sa premises ng kahit na anumang UP campus o regional units nito nang paunang abiso sa UP administration.
Sa kabilang dako, nakasaad naman sa liham ni Lorenzana kay UP president Danilo Concepcion na may petsang Enero 15 letter na ang kasunduan ay nagsisilbing hadlang sa DND para bigyan ng epektibong seguridad, kaligtasan at kapakanan ang mga estudyante, faculty, at mga empleyado ng UP.
Sinabi pa niya na ang UP ay naging isang “safe haven” para sa mga rebeldeng komunista na di umanoy nagre-recruit ng mga estudyante ng premier state university.
Para kay Lorenzana, ang kasunduan ay “obsolete” o hindi na ginagamit.
“Nasa mga taga-UP rin po iyan. Hindi po nila hahayaan na mabalewala at malabag ang kanilang karapatan sa academic freedom,” ayon naman kay Sec. Roque.
Nauna rito, mariing kinondena ng pamunuan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang pagbasura ng Department of National Defense (DND) sa isang kasunduang nagbabawal sa panghihimasok ng pulis at militar sa kanilang mga campus, bagay na makaka-apekto diumano sa “academic freedom” at malayang pag-iisip na itinataguyod ng institusyon.
Lunes nang isapubliko ang liham ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pumuputol sa UP-DND Accord of 1989, bagay na ginagawa raw ng gobyerno para “protektahan ang kabataan” mula sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) recruitment.
“[G]iven our experience of martial law, we must reject any form or semblance of militarization on our campuses, which will have a chilling effect deleterious to academic freedom. This abrogation endangers the goodwill necessary for both of us to achieve our mission as responsible members of the same national family,” ani UP president Danilo Concepcion, Martes, sa isang kalatas.
“May I urge you, therefore, to reconsider and revoke your abrogation, and request further that we meet to discuss your concerns in the shared spirit of peace, justice, and the pursuit of excellence.”
Aniya, ginawa ito ni Lorenzana nang walang konsultasyon at makaisang-panig, bagay na napag-usapan daw sana. Gayunpaman, magbubunsod lamang daw ng kalituhan at duda sa pulis at militar ang aksyon ng pamahalaan, dagdag ni Concepcion.
Matagal nang nire-redtag bilang rebelde ang ilang aktibistang estudyante, propesor at miyembro ng naturang komunidad, kahit hindi naman humahawak ng armas ang karamihan sa kanila.
Kinastigo naman ni Bise Presidente Leni Robredo ang naturang aksyon ni Lorenzana, lalo na’t tatlong dekada na raw pumoprotekta sa warrantless arrests gaya ng ginawa kay Continente noong 1989 sa loob ng eskwelahan.
“The unilateral scrapping of the decades-old Accord sends [this] message: That under this administration, anyone, anywhere, at anytime, is fair game,” wika niya sa isang pahayag.
“It is now up to us to decide where we will give in. Or whether at long last, we will stand our ground and speak out.” ayon kay Robredo.
Para naman sa Bayan Muna party-list, sinyales lang ito na ayaw nilang gawang lugar ng “critical thinking” at protesta ang pamantasan upang mas madali itong gipitin.
“As it is, the UP community, the alumni of the premier state university, along with all freedom loving Filipinos should condemn and fight back and would not let this fascist move come to pass,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. (Daris Jose)
-
Mga Pinoy sa India na nasa repatriation program ng gov’t, ‘exempted’ sa travel ban – Palasyo
Nilinaw ng Malacanang na ang mga Pinoy workers sa India at anim pang bansa na kabilang sa repatriation programs ng pamahalaan at mga recruitment agencies ay maaari pa ring makapasok sa Pilipinas. Ito’y sa kabila ng nakapataw na travel ban sa India, gayundin sa Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at […]
-
Akusasyon ni VP Robredo, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN ng Malakanyang ang akusasyon ni Vice President Leni Robredo na walang malinaw na direksyon ang administrasyon para tugunan ang COVID-19 crisis. “I beg to disagree, seriously disagree with the Vice President,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Tila ipinamukha ng Malakanyang kay Robredo ang mga hakbang ng gobyerno na nagresulta ng mababang mortality rate […]
-
NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus
Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus. Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics. […]