Universal vaccine cards hinihirit
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
Dapat magkaroon na ng universal vaccine cards na magpapatunay na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at kikilalanin maging sa labas ng bansa.
Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mapaulat na hindi umano kinikilala ng gobyerno ng Hong Kong ang vaccine cards ng mga Overseas Filipino Workers na bigay ng mga local government units.
Ayon kay Roque, sa pagkakaalam niya ay gumagawa na ng paraan ang International Air Transport Association (IATA) at iginiit na niya sa Department of Health na makipagtulungan sa World Health Organization para magkaroon ng standard vaccination cards na tatanggapin ng lahat.
Iminungkahi rin ni Roque ang paggamit ng yellow quarantine book na ibinibigay ng Bureau of Quarantine na maaring magamit sa paglabas ng bansa.
Nangako rin si Roque na isasangguni niya ang isyu sa Inter-Agency Task Force para sa pagpapalabas ng vaccination cards na kikilalanin sa ibang bansa katulad ng kanyang yellow card. (Gene Adsuara)
-
Ads October 28, 2020
-
2 LABANDERA TIMBOG SA P3.4 MILYON SHABU
NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P3 milyon halaga ng shabu sa dalawang labandera na big-time umanong tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Mary Jane […]
-
DSWD, magbibigay ng cash-for-work sa mga residenteng apektado ng oil spill
NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng cash-for-work assistance sa mga residenteng apektado ngĀ oil spill dahil sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress sa bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023. Sinabi ni DSWD Scretary Rex Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang […]